Pages

Wednesday, December 19

Hurting


Paano kung sinaktan ka ng taong pinakamamahal mo, I mean by all means. Namumugto ang mata mong papasok sa office kung saan din sya nagtatrabaho. Naglalakad ka sa hallway at nakasalubong sya. Napatingin ka, at ganun din sya sayo. Pero una nyang binawi ang tingin nya. By that time, gusto mo na lang humagulgol at umiyak sa isang tabi, pero syempre, pinigilan mo. Ayaw mong magmukang mas kawawa sa harap nya. Hanggang sa nilagpasan nyo na ang isa’t isa. Tumulo paisa-isa ang luha mo. Noon mo lang narealize, wala na ang lahat sa inyong dalawa. Hindi mo na kaya, dahil hindi ka katulad nya na parang walang pakiramdam. Dumiretso ka sa tagong cr sa lobby para dun humagulgol ng walang ibang nakakarinig. Namumugto na naman nito ang mata mo. Paano mo ito itatago sa lahat ng makakakita sayo. Paano mo sila pipigilan ng amuin ka dahil sa tuwing ginagawa nila yun, lalo kang naiiyak at nalulungkot. Naghilamos ka, at umaasang medyo huhupa ang mugto ng mata mo sa ginawa mong paghilamos ng muka. Pero paglabas mo ng cr, nakita mo ulit sya, may kausap sa telepono. Umatras ka papasok ulit pero malelate ka na, kaya naglakad ka na lang kahit andun pa sya. Naisip mo, napakamalas naman ng araw na ito o. Minsan talaga, kung sino ang ayaw mong makita, sya yung paulit-ulit mong nakikita. Nasa tapat ka na ng elevator, at sabay bukas naman nito. Nakahinga kang maluwag, pero nung pagpasok mo at pagharap sa pinto ng elevator, muntik ka ng magcollapse, dahil paanong napunta sya sa elevator e hindi mo naman naramdaman na kasunod mo pala sya papunta sa elevator. Sumara ang pinto, ang laki pa rin ng mata mo sa pagkakabigla. Pero gusto mo na lang maglaho nung sinabi nyang,
“Can we talk?”
Leggi tutto >>

Kilig Day


Half day sya, ako whole day. After kong mag-lunch, umupo na ang ako sa area ko at nagbrowse sa web gamit ang tab ko. Maya maya aantukin na ako, bale nagpapa-antok lang ako. Hindi ko na sya hihintayin, darating din yun. 
Sa kalagitnaan ng pagba-browse ko, biglang may humalik sa tuktok ng ulo ko. Nandyan na sya. Nagising ang kaluluwa ko. Kinilig na naman ako. Hahaha. Tumingin ako sa likuran ko, sya na nga.
“Kumain ka na?”, sabi nya habang nilalakbay ng kanan nyang kamay ang kaliwa kong braso par hawakan ang kamay ko.
“Oo, ikaw ba?”, sabi ko.
“Oo, kumain na ako sa bahay.”
Hinila nya ako patayo habang hawak hawak ko pa ang tab ko.
“Tara, dun muna tayo sa area ko.”
Kung pwede ko lang sabihing, “Teka lang, kinikilig pa ako.. Hahaha” Wala na lang akong nagawa kundi mangiti sa sarili ko habang naglalakad papunta sa area nya. Hawak pa rin nya ang kamay ko.
Hindi ko mapigilang mag-isip, ano kaya ang iniisip ng mga taong nakakakita samin? Anyway, who cares?!
Habang nag-aayos sya ng gamit nya, nasa gilid lang nya ako at nakaupo. Napapatitig ako, pero ayokong pa-obvious kaya kunwari nagfe-facebook na lang ako. Pero nahuli nya akong nakatingin sa kanya, ayun, ngingiti ngiti tuloy.
Habang pinapanuod ko sya sa pagbubukas ng computer nya, at ako naman ay nakaupo lang sa tabi nya, kahit wala pa kami pinag-uusapan, kinikilig na ako. Iniisip ko, ganun din kaya sya sakin? Pero baka hindi rin, dahil lalaki sya, babae ako. Magkaiba kami.
Paano ko ba sisimulan ang usapan?
“Kamusta?”, hanggang sya na akong nagsimula ng usapan, nakaramdam ata. 
“Ok lang, anyare, bakit half day ka?”
Nayuko na ako sa table nya, hindi ko na alam kung ano ang sinasabi pa nya. Ewan ko ba, ganun ata talaga ako ka-inlove sa taong ito. 
“Na-miss mo ko?”, singit nya.
Namula ako, ano ba yan. Hindi ko naman talaga maiitatanggi sa kanya ngayun na namiss ko sya, ang bilis ko naman kasi mamula.
Ngumisi pa ang mokong, lalo akong namula. 
“Medyo”, dahil hindi ko na maitatanggi pa sa kanya.
“Na-miss din kita.”
Nanlambot ang tuhod ko. Hahalikan ko na talaga ang taong to. Pigilan nyo ako. Hihihi.
At kiniss ko sya sa lips. Smack lang. Nabigla din sya, pero ganun talaga ako kainlab sa kanya e.
“I love you..”
“I love you too..”
“Balik na ako sa area ko ha? I love you :*”
Leggi tutto >>