Pages

Friday, July 13

A very Short Story

Maaga akong nagising ngayon. Excited kasi ako, sobra. Daig ko pa ang batang estudyanteng may field trip. Simula nang makilala ko si Bert, araw araw feeling ko ang sarap langhapin ng sariwang hangin, ang sarap pakinggan ng tilaok ng manok at potpot ng nagpapandesal, ang sarap sumabay sa paglalakad ng mga tipikal na nanay dito samin papuntang palengke, ang sarap amuyin ang kape at pandesal sa bawat bahay na madadaanan mo. Ang sarap mabuhay, ang sarap ng buhay. Madalas naiisip ko, sana ata pala, nakilala ko na si Bert nung college ako.. sana in-love na ako noon, edi sana wala yung karaniwan kong sakit noon, araw araw late.

Ang dami ko nang nasabi, ang dami kasing gustong ilabas ng utak ko, kasing dami ng pagmamahal ko sa kanya. Aww! Korni. Haha.

Pupunta kami ng Enchanted Kingdom ngayon. Sabi nya, may sasabihin na din sya. Pota! Baka aayain na nya ako. Bumibilis tibok ng puso ko. Isipin ko pa lang, matatae na ata ako na maiihi na ewan. Hindi sa ayaw ko, kundi sa sobrang kilig. Ahihihi :">

Six am nasa terminal na ako. Oo, alam naming 12 pa bukas ng E.K, gusto lang naming magkita ng maaga para sulit ang oras at araw. Sinisingil na ako ng kundoktora. Yap! Babae sya. Feeling ko dati, katarayan ko to e. Yung nagtatama pa lang ang mata namin, naglalaitan na kami. Haha. Ewan, insekyora ata ako. haha. Pero ngayon, hindi ko maiwasang ngitian at magpasalamat habang inaabot nya ang sukli ko. Syet! Masyado ko nang nagagamit ang facial muscles ko ay. Haha. wala talaga sa hinagap ko na pwede pala akong sumaya nang ganito kasaya. Hindi ko matatranslate sa salita, yung saya ko kasi, ewan, sagad siguro hanggang langit. Pati pagiging korni, akalain ko bang magiging ganito ako. Haha

10 am na ako nakarating ng Manila. Kita na lang daw kami sa Trinoma e. Layo ng pinanggalingan ko, infairness pero okay lang, malayo din naman pinanggalingan nya e, quits baga. Haha. Asan na nga kaya yun? Matext nga. 
"Babe, asan ka na? Dito na ako tri, antayin kita sa center isle ha? Dalian mo ha. gusto na kitang makita. Miss na miss na miss na kita. I love you so much! Magingat ka! Mwaaah :-*" --- Message Sent.
Asan na kaya yun? Masyado ba akong maaga O baka naipit na naman sya sa trabaho nya dun. Ok lang yun, mamaya magtetext na yun. *tutut tutut*  Nagtext na sya. I told you!
"Bhie, dito na ako. Hindi kita makita? Nasan ka ba? Pasensya na nalate ako. Mwaaah. :-*"
"Babe, nakaupo ako. White damit ko. Hindi rin kita makita. Tumanda na ata tayo. Haha" 
Lumingon lingon ako para hanapin ang mahal ko. Ba't hindi nya ako makita? Nang mapatingin ako sa isang lalaking naka-cap na nakatitig sakin. Si Bert yun a. Ngumiti ako at kumaway. Ngumiti din sya saka pa lang lumapit sa akin. lakas ng trip nito ha. Akala ko ba hindi nya ako makita? Dami talagang alam nitong babe ko. Hihi. Nung magkalapit na kami, hinalikan nya ako sa lips. *kilig* Hehe. Napansin kong may ilang taong napatingin samin, sa dami ba naman kasi ng tao. Pero pake ba nila? Mamatay sila sa inggit. Haha.

Kinamusta ko sya saglit tapos hinawakan nya kamay ko. Manuod daw muna kami ng movie ngayun. Wala sa plano to ha. Pero keri na, maaga panaman. Gusto ko yung kimmyDora. Trailer pa lang kasi nun, tawa na ako ng tawa. Hehe.

Pumasok na kami sa movie house na magkaholding house pa din. Kitang kita ko sa mata nya ang saya at nagkita ulit kami. Alam ko, kita nya din sa muka ko ang saya.

Habang tawa ng tawa ang lahat ng nanunuod, pati ako, napatingin ako sa muka nya. hindi sya tumatawa. Blanko muka nya, na parang nakatingin sa kawalan. Nakokornihan na siguro to. hehe. Hinampas ko sya ng mahina sa balikat. Nagulat sya at nanlaki ang mga mata. Wag mong sabihing natutulog to habang nakadilat ang mata. haha. Nung binanggit ko sa kanya yun, natawa kami parehas. Mas natawa pa sya sa joke ko kesa sa palabas. Haha.

After nung movie kumain muna kami. Sa Chowking na lang ang napili namin. Dinala kaya nito gamot nya? High blood kasi to e. Naisip ko, oo nga pala, high blood to, baka mapano to sa EK.
 "Babe, sigurado ka bang okay lang sa katawan mo ang sumakay sa mga rides? Nadala mo ba gamot mo? Chinek mo ba BP mo bago ka bumiyahe? Ano last Bp mo?"
"Grabe! Dami mo namang bumanat ng tanong. Hehe. Yap bhie, pwede akong mag-rides. High blood pa lang naman sakit ko e, hindi pa sa puso. Saka dala ko naman gamot ko. Chinek ko din kanina BP ko bago ako umalis, 120/80. Dala ko din digital BP app ko."
Ang OA ko nga ata. Haha. Yung tintukoy nyang BP app, yun yung nilalagay sa wrist tapos itatapat sa puso. Maliit lang yun. Astig no? Naniwala na ako, hindi naman ako lolokohin ng mahal ko e.

12pm, bumiyahe na kami papuntang Laguna. Kahit 1pm na kami makakarating dun, okay lang, sigurado namang bukas na yun. Nga lang mainit. Buti na lang namili ako ng payong na maliit. Napakahelpful nito. Kasya pa sa bag ko. May dala din akong damit, dahil for sure mababasa kami dun at hindi na ako makakauwi ng bahay ngayong gabi.

Habang bumibyahe kami, hawak nya ang kamay ko. Gusto kong matulog sa balikat nya pero hindi talaga ako makatulog. The fact na katabi ko ang taong pinakamamahal ko, ayaw huminahon ng puso ko. Ayaw tumigil sa pagtalon nito dahil sa saya. Naalala ko kung paano kami nagkakilala 2 yrs. ago.

Reviewee ako para sa NLE noon at sya naman ang isa sa mga lecturer ko, from Baguio. Sya na siguro ang tipikal na lalaking magugustuhan ng isang babae. Matangkad, moreno, maganda ang katawan, matalino, pati na gwapo. Crush ko sya nun hindi dahil sa mga bagay na nabanggit ko, kundi nung nakita kong maaga pa sya pumasok sa mga estudyante, pati na sakin, at dahil sa maka-agaw paningin nyang tenga. Palabas ang kanya, hindi tulad ng karaniwan, halos dikit na sa ulo. Ang cute talaga nun! Kaya habang naglelecture sya, hindi ko maalis ang paningin ko sa kanya, gaya ng lahat. Hindi ko akalaing mapupukaw ko ang paningin nya. Bukod sa nasa gitna ako nakaupo sa kaliwang parte ng room, e nasa gilid talaga ako. Kinuha nya nmber ko sa records ng review center. Nagtataka siguro kayo paano nya nalaman ang pangalan ko. Ako din e nagtataka. Hindi naman ako kilala sa pangalan ng mga staff ng review center na yun e. Hanggang sa isang araw, bigla na lang ako nakilala ng mga staff. Pag nakakasalubong nila ako, binabati ako sa pangalan. Nawiwirduhan ako sa kanila ng mga panahon na yun. Hanggang matapos ang exam, may isang no. na hindi ko kilala ang nagtext sakin. nagpakilala syang Engelbert Celis! Pinagtitripan ba ako nito? Isa lang kilala kong Engelbert Celis e. Kinumpirma ko kung sya nga yun, at yun, sya nga.

Napansin kong malapit na kami, tumingin ako sa kanya saktong gising na sya. Ngumiti ako ng pagkatamis tamis. Mamaya bababa na kami.

Nagtryk kami papunta sa EK. Sumakay kami sa lahat ng rides, pati sa space shuttle. Kahit sobra ang takot ko, basta hawak nya kamay ko, feeling ko ang tapang ko. Sa huli, basa kaming dalawa dahil sa Riogrande na sinakyan namin.

After nang maghapon namin, nagutom na ulit kami. Umuwi muna kami sa Manila. Dumiretso kami sa bahay nang kaibigan ni Bert. Gabi na kasi, hindi na rin kami makakauwi. Alam ko iniisip mo, ganun din iniisip ko. Haha. Pero pagod kaming dalawa e. Yap! Nagawa na namin yun. At hindi ako nagsisisi. Matanda na kami, ano ka ba?

Masyado na akong pagod, kahit pagmamahal ko sa kanya hindi na makakatulong. Pero kahit ano pa sbihin ko, matingin lang ako sa kanya, nangingiti na ulit ako. Prang makita ko ;lang sya, kahit hindi ko na kaya, kakayanin ko pa.




0 comments: