Pages

Sunday, June 17

Happy Father's and Mother's Day

Hindi ko alam kung may iba-blog ba ako tungkol ke Papa. E kasi bata pa lang ako, sanay na akong dalawang beses lang sya umuwi samin buwan buwan. Minsan, swerte na kung makauwi sya. Lalo na nung nauso yung mga pagpapadala na lang ng pera, mas parang lalong nawalan ng dahilan para umuwi pa si Papa, sayang kasi pamasahe e. Pero kahit ganon, hindi nawala ang amor ko sa tatay ko. Hindi nabawasan ang love ko sa kanya. Parang mas tumindi pa nga e, kasi sya nasa malayo, hindi nakakahiyang iverbalize sa kanya ang mga pagbati ko tuwing may okasyon. Mas madali kasing bumati kapag text lang, hindi tulad pag personal. Kay mama nahihiya akong bumati, kasi kasama ko sya araw-araw. Hindi ko naman sya maitext kasi ang awkward, magkasama kami sa bahay, itetext ko pa. Yo know? Hehe. So ayon na nga. Nabati ko si Papa ngayong father's day, pero si Mama hindi ko nabati nung Mother's day. Siguro kahit dito ko na lang sila batiin, Happy father's day Papa. At sayo Mama, belated Happy Mother's day. I love you Both. Sana balang araw masabi ko sa inyo yan ng personal. =)
Leggi tutto >>