Pages

Monday, May 28

Cause you’re moving on and I’m not that strong to hold on, any longer...

Ang tagal na bago ako nakapag-post dito. Iba na format ng Blogger, naliligaw na nga ako.  Nakakabulag pa, ang lalaki kasi ng font e. Halos hindi ko na alam kung nasaan ang mga bagay bagay na dati alam ko naman kung saan pipindutin. Hayyy! Anyway, ayoko na yun problemain pa. Ayokong magaya kay mama ngayun na mula pagdating kaninang alas singko mula sa center ay parang punong puno ng problema. Pati ako nadadamay. Yung tipong wala naman akong ginagawang  masama sinisigawan pa di ako. Hinayaan ko na lang, wala ding kwenta kung makikipag-talo pa ako e.

Alam nyo ba, sa halip na nagre-review ako ngayun sa papalapit na exam ko sa NLE, eto ako ngayun nagta-type type nang kung ano-ano. Wala naman talaga sa plano kong mag-blog dito ngayun, kundi lang sa nabasa kong blog na nagbigay sakin ng inspirasyon. Hay! Ayoko talagang sinasabi yung linyang yun, yung "nagbigay ng inspirasyon" nababaduyan kasi talaga ako e. Pero para kasing ganun naman talaga e, so hayaan ko na. So eto yun... Inhale.... Exhale....

Hindi sya ang first love ko pero feeling ko sya ang great love ko.  Naks! Bakit? Kwento ko ba? Baduy e. Pero kwento ko na din, wala naman kayo magagawa e. Hehe. To make the story short, gusto ko sya nung 3rd year high school kami, classmate ko sya e. Nawala nung 4th year kasi may dumating. Wiiiiih :'> hehe. Nung 1st year college ako, nakatext ko sya. Wala na yung dumating nun, umalis na. At yun naging kami. Hindi ko maexplain kilig ko nun. Basta iba yung feeling pag sa kanya. Pero eventually, naghiwalay din kami. Wala e. Umalis din.

Eto ako ngayun, 4 years na, halos hindi pa din nakaka-move on. Actually medyo nakaya ko na, pero isipin mo 4 year in the making yun a. nakayanan ko din sa tulong nang  mga techniques na matagal ko nang alam pero hindi ko ginagawa dahil ako mismo ayokong gawin. Ang mali ko, pinatagal ko pa nang napakatagal na panahon. Pinili kong dibdibin ang sakit at mabuhay sa mga ala-ala nya sa akin  na patuloy na nagdudulot ng sakit sa puso ko. Siguro nakagulo din sa pag-iisip ko yung wala akong masabihan ng mga hinanakit ko, actually meron naman, pero pinili kong mag-isa. Ayokong sabihin sa kanila kung paanong nagmuka akong kawawa. Ayokong kaawaan nila ako. Ayokong magmukang mahina sa harap nila. Ayokong makita nilang tumutulo ang precious kong luha para lang sa walang kwentang tao. Ayokong  malaman nila kung paano ako nagpakatanga.

Pero on the bright side, kahit matagal, kahit mahirap, nakayanan kong bumangon kahit mag-isa lang ako. Nakayanan ko yun habang nagsisinungaling sa sarili kong okay ko. Magaling ako sa ganyan, alam ko, madami ding may kaya nyan. At mag-isa kong natuklasang, ang pagmo-move on ay nagsisimula sa sarili mismo. Hindi sa payo ng ibang tao. Hindi pinipilit an sarili. Parang prutas lang, pag pinilit mong mahinog, mapakla ang kakalabasang lasa. Hintayin mong ang sarili mo mismo ang mapagod at magdesisyong magsimula nang tumayo muli, yun na yung masasabi kong turning point nang kwento mo. Totoo yung "Time Heals all Wounds", pramis. 

Pero syempre, may pagkakataong nagiging mahina din ako. Yung akala ko, wala na talaga. Burado na lahat, pero isang text nya lang, patay na! Hindi ko na naman alam gagawin ko. hindi lang isang beses, marami sa totoo lang. Yung magtetext sya ng isang simpleng "Hi" ako naman nangingig pang nagtetext. Umaasa na baka sakali may magbago pa. Baka sakali bumalik kami sa dati. Bumalik yung kilig sa kanya at maging kami ulit. Tapos yayakapin ka at hahalikan, pero wala lang pala sa kanya yun. Paulit-ulit yun, paulit-ulit akong umasa. Binura ko na yung number nya sa contacts ko pero saulado ko din, kaya naibalik ko pa rin. Kaya ayun, tuwing gabi, pag malungkot ako, hindi maiiwasang sa kanya ko naibabaling ang atensyon ko.

Pero nung dumating na yung sarili kong turning point, yung moment na sarili ko nang puso, damdamin, at isipan ang sumuko, sa wakas, nakapagdesisyon na din ako. Sabi nga nila, "Kung ang jeep nga umaandar pag napupuno, tao pa kaya?" So iyon na nga ang ginawa ko kahit 4 years na ang nagdaan. Binura ko na sya sa contacts ko. Sa ngayun saulado ko pa din number nya pero eventually makakalimutan ko din to, I know, konting panahon lang. Nilalayo ko na ang sarili ko sa mga malulungkot na bagay. Hindi ko na sya tine-text pa. At unti-unti, hindi ko na din sya inaalala pati mga memories naming dalawa. Mahirap ibaon sa limot, pero panahon lang ang kailangan at konting pagkumbinsi sa sariling hindi mo na naaalala ang lahat. 

Konting kembot na lang, mawawala ka din sa isipan at puso ko. Hindi na ako aasa, Pramis!
Leggi tutto >>