Pages

Monday, October 17

Every Story has Two Sides- 2


October 15, 2011
7:36 pm

Dear Diary,
Favorite subject ko na ang English mula ngayun. May matagal na akong crush sa room namin simula nung first year ako. Hanggang ngayung fourth year na kami, gusto ko pa rin sya. Kaso nga lang hindi ako yung tipo ng babae na mapapansin ng mga lalaki, lalo na sya. Hindi kasi ako maganda, hindi din naman ako katalinuhan, sapat lang, mabait lang talaga ako. Hanggang ngayun, hindi nya nalaman na may gusto ako sa kanya, ayokong sabihin, nakakahiya. Ang gaganda kasi ng mga naging girlfriends nya, walang wala ako. Heartthrob kasi sya, ako isang simpleng duck lang.

Pero kanina sa last subject namin, English, napapansin kong tingin sya ng tingin sa may gawing kinauupuan ko. Gusto kong kiligin, pero ayoko namang mag-asssume na ako nga yun dahil katabi ko ang dyosa ng section namin. Napabuntong hininga na lang ako.

Nung natapos na ang klase namin, kinausap ako ni Nikki tungkol sa project namin. Nung nakaalis na sya, parang sumabog bigla ang puso ko nang makita kong papalapit sa akin si Pao, ang crush ko. Tumingin ako sa paligid, wala ang dyosa, wala ding tao sa paligid ko. Dyos ko! Nagkakaroon na ako ng mini heart attack. Hihimatayin na ako. Kunin mo na ako Lord! Kahit ano pa sasabihin nito, ready na ako!

Pero para akong nasabugan ng dinamita nang magsalita na sya. Magkakatotoo ata ang sinabi ko kanina lang a, makukuha na ata ako ni Lord. Gusto kong lumutang sa alapaap ng sabihin nyang...
"Bev- erl- y! Ma-y sa- sabih- in ako sa'yo. Gusto kita. Pwede ba kitang ligawan?"
Anong sasabihin ko? Nagpapanic na mga neurons ko, hindi nya lang nahahalata. Teka paano ako magre-response. Hindi ako marunong sa mga ganitong mga eksena. Anong sasabihin ko? Anong sasabihin ko? Anong sasabihin ko? Anong sasabi--- 
"Masyado kang gwapo, Pao. Ayoko."
Sinabi ko yan nang nakangisi pa. Bakit nga ba? Tama ba yun? Anong klaseng dahilan yun? Dahil lang gwapo? Bakit ba yun ang unang pumasok sa utak ko. Mas gwapo pala kasi sya sa malapitan, parang isang anghel.


Hinintay ko syang habulin ako, at tanungin kung totoo ba ang mga sinabi ko. Lumingon pa ako para ipahiwatig na joke lang yun, pero hindi nya ako sinundan. Hindi nya ako tinanong kung seryoso ba ako. Nang lumingon ulit ako ng pangalawang beses, wala na sya. Nalungkot ako! Nakakainis! Gusto ko naman talaga sya e. Bakit kasi nag-inarte pa ako? Bakit hindi ko na lang sinabing "OO". Ang tanga ko!

Nakita ko sa mga mata nya nuung una akong lumingon, nasaktan sya. Nalungkot sya. Pero naisip ko din, bakit nya magugustuhan ang isang tulad ko? Hindi ako maganda. Walang-wala ako sa ibang mga dyosa dyan. Pinagtripan nya lang ba ako? Totoo kayang gusto nya ako? Kung totoo, bakit hindi nya ako hinabol? Bakit ang bilis nyang sumuko? 

Nagi-guilty ako sa ginawa ko! Pero naguguluhan din ako. Ano ba? Nakakainis! Kakausapin ko ba sya bukas? Anong sasabihin ko?

Ano ba yan? Matulog na nga lang ako. Baka bukas may sagot na ako sa mga tanong ko.
*sigh*

~Bev.
October 15, 2011
8:10 pm


0 comments: