Pages

Monday, October 17

Every Story has Two Sides- 1

October 15, 2011
8:54 pm

Kanina ko pa sya tinitignan habang nagkaklase kami sa last subject namin, English. Gusto ko sya, matagal na. Ayaw ko syang masaktan kaya hindi ko sya niligawan, pero ngayun, hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob kong 'to, pero sasabihin ko na talaga sa kanya.

After ng klase namin, hinintay ko syang mapag-isa. Hinintay ko munang umalis ang kausap nya saka ako lumapit, bago ko pa sya matunaw sa katititig. Kinabahan talaga ako. Dinig na dinig ko ang tibok ng puso ko, pero malakas ang mga paa kong humahakbang papunta sa kanya. First time nangyari sa akin to. Tuwing nanliligaw ako, hindi ako kinakabahan ng ganito. Bakit nga ba? Hindi naman sya kasing ganda ng mga naging girlfriends ko? Natatakot ba ako? Saka ko naisip, mahal ko nga sya. 

Mga ilang hakbang na lang malapit na ako sa kanya. Halos naaamoy ko na ang halimuyak ng shampoo nya. Malapot na ang pawis, tumataas na siguro ang blood pressure ko. Bahala na.

Nang kaharap ko na sya, halos ayaw lumabas ng mga salita sa bibig ko, pero makapangyarihan nga ata talaga ang pag-ibig. Kahit nauutal-utal ay nasabi ko rin sa kanya..
"Bev- erl- y! Ma-y sa- sabih- in ako sa'yo.
Gusto kita. Pwede ba kitang ligawan?"
Totoo pala yung pakiramdam na parang nabunutan ng malaking tinik sa dibdib. Nakahinga ako bigla ng maluwag. Bumagal na nang bahagya ang pagtibok ng puso ko. Bumaba na rin malamang ang presyon ko.

Pero mga ilang segundo pa, biglang nadurog ang puso ko. Totoo din pala yung pakiramdam na napagsakluban ng langit at lupa. Gusto ko nang bumaon sa kinatatayuan ko ng sabihin nyang...
"Masyado kang gwapo, Pao. Ayoko."
Medyo nabigla sya nang umamin ako, nakita ko yun sa mga mata nya. Pero nung sinabi nya ang masasakit na salita na iyon, e nakangiti pa sya. Sabay talikod at lumingon pa sya at ngumisi. Ewan ko kung anong pinapalabas nya. Masyado akong gwapo kaya ayaw nya? Naguguluhan ako. Pero isa lang ang naiintindihan ko, nasaktan ako. Nadurog ang puso ko. Sana pala hindi na lang ako umamin. Hindi pala, sana hindi ko na lang sya minahal. 

Umuwi na lang ako ng bahay na gulong gulo ang utak, pati ang puso. Hindi na din ako nakakain kakaisip. Paano ko pa sya mahaharap bukas. Hindi naman ako galit sa kanya, pero nasaktan talaga ako sa dahilan nya.  Ano bang gagawin ko? Bukod sa pagsusulat ng ganito na hindi ko naman alam kung sino ang makakabasa? 

Matutulog na nga lang ako. Baka bukas matino na utak ko. Alam ko na ang sagot sa mga tanong ko.
*sigh*

~Pao.
October 15, 2011
9:23 pm


0 comments: