Pages

Wednesday, September 28

Modern Juan Tamad

Sana ang buhay parang buhay lang sa Sims Social. Walang ibang problema kundi ang kumain, matulog, umihi, maligo, magsaya at makipagbeso-beso sa mga tropa mo. Ang dali lang. Napakabasic ng buhay! May mga task kang dapat matapos, pero kung hindi mo matapos, e anu ngayun? Basta't may konting naipundar ka na, at kuntento ka sa buhay, swak na ang pangangailangan mo!

Pangarap kong magkaroon ng isang simpleng buhay. Simple lang. Kakain, matutulog, magtatrabaho, kung pwedeng hindi na mag-aral edi mas maganda! Simple lang.

Buti pa nga yang mga Sims na yan, ang sweswerte ng buhay. Hindi naman sila ang nagpakahirap ipundar ang bahay nila, hindi sila ang mga nagmukhang 'gay' na nagpo-post ng kung ano anong clickables sa wall nila, hindi naman sila yung lumunok ng hiya nila para ichat kahit sino maibigay lang ang pangangailangan ng sims nila. Hindi sila! Umiikot ikot lang sila sa bahay. Naglalakad-lakad! Walang kwenta!

Kahit imposible, minsan pinapangarap kong maging isang sims na lang. Hindi sa dahil komplikado ang buhay ko. Madalas, tinatamad lang ako.

Pero Joke lang.. Mahal ko ang buhay ko! Dahil alam kong may ibang nagmamahal sa buhay na ito, hindi lang ako!

Dito na lang ako mga sims. Peace be with ya!

0 comments: