Pages

Monday, September 19

Ano nga ba ang wala kay Adan para magmahal si Eba ng kapwa nya Eba?


Sabi nila, age doesn’t matter daw… kung gayon, pwede din kayang gender doesn’t matter??
Kung akala nyo tungkol sa akin yan, hindi no! Straight ako! Walang curve, pati sa katawan wala. De joke lang. haha. May nangyari lang kasi kanina sa classroom namin… ganto yun…
Last subject na namin, medyo inaantok na ako. Actually inaantok na talaga ako. Magrereport sana kaming lahat kanina, pero hindi na nangyari kasi naghahahbol daw si ma’am ng oras dahil 2 meetings na lang kami sa kanya. Taimtim pa akong nagno-notes. Nakikinig ng wagas. Hanggang natapos na ang 30 minutes capacity ng utak kong makinig, nagsimula na akong antukin.
May biglang kumatok sa pintuan namin. Halos lahat kami ay nakatingin sa gawing pintuan. Hinihintay naming buksan nya ang pinto para magexcuse kay ma’am dahil ganun naman ginagawa ng karamihan, pero hindi nya binuksan. Kumatok pa ulit sya, at isa pa, saka lang binuksan ng kaklase ko ang pintuan.
Isang babaeng naka-shades, matangkad, matikas, medyo balingkinitan, boyish ang tao sa likod ng pinto. May dala syang bouquet ng flowers, yung pina-arrange pa talaga. Pamilyar ang mukha nya sa akin. Madalas ko syang nakikita noong intrams, sumisigaw at nagche-cheer sa panig ng CNM. Sya yung taong umaangat palagi ang boses at nanlalait sa kalaban nang harap harapan sa kanila. Below the belt na minsan mga sinasabi nya pero tuwang tuwa pa rin ang mga tao, kasi nga ball games yun, hindi talaga maiiwasan ang laitan at asaran.
So back to the topic. Hinanap nya ang isa kong classmate na babae. Yung iba kong kaklase kinikilig ng wagas. May mga nagtitilian, may mga sumisigaw ng ‘ayiiii’, may mga wagas kung makangiti. Ako, poker face! Chos! Syempre, nakangiti ako, na medyo confused. Kaso nga lang sa kamalas-malasan ay absent yung hinahanap nya. Napamura na lang sya. Hindi ko nakitang nagmura sya, pero may nagsabi sakin. Feeling ko napahiya kasi sya! Malas! Tsk! Tapos nun hindi ko na alam nangyari sa kanya.
Ilan sa mga kaklase kong babae ang nahihilig makipag-relasyon sa kapwa nila babae. Hindi sa nadi-disturb ako, medyo curious lang. Ano nga ba ang dahilan?
May narinig lang ako dati, galing lang sa kung saan saan. May isang lalaking naglakas ng loob na itanong sa isa sa kanila, ano nga ba ang gusto nila sa mga boyfriend a.k.a girlfriend o kung anupaman nila, gayong wala naman silang mga t*ti? Ang sagot nila sa kanya, hindi lang yun ang sukatan ng pag-ibig, hindi lang puro panlabas na kaanyuan. Ayon naman dun sa nagtanong, mas maganda pa ring may t*ti ang syota mo. Ang sabi naman nila, ang realsyon ay hindi lang puro kalibugan.
Hanggang sa walang nanalo sa kanilang pagtatalo….
Dati mas uso ang lalaki sa lalaki, ngayun, unti unti nang umuusbong ang makabagong trend ng pagmamahalan. Ang babae sa babae. Alam ko dati pa man nangyayari na ‘to. Siguro ngayun lang ako naka-observe at namulat ang mga mata ko sa gantong karaming klaseng relasyon sa buong buhay ko, na ang bilang nila ay higit pa sa inaasahan ko.
Wala naman talaga akong side sa issue na ‘to. Gusto ko lang mag-share.
Siguro nga kung may age doesn’t matter, uubra na din ang GENDER DOESN’T MATTER!



0 comments: