Pages

Sunday, August 7

25 things 4ME & 4U.

  1. Huwag mag-maganda.
  2. Huwag mag-inarte.
  3. Huwag mag-feeling seksi.
  4. Huwag gawin ang 1, 2,at 3 paminsan-minsan.
  5. Inuulit ko, paminsan-minsan.
  6. Mamuhay ayon sa prinsipyo mo.
  7. Panindigan mo ito.
  8. Matutong tumanggap ng kritisismo kung alam mong may mali sa mga prinsipyo mo.
  9. Palaging ngumiti.
  10. Tapos ngumiti ka pa ulit.
  11. Ngitian ang lahat ng makakasalubong mo.
  12. Pwera na lang sa mga manyak.
  13. Huwag kang lumangoy sa bahang dulot ng ibang tao.
  14. Hayaan mong sila ang maki-agos sa bagyong dala mo.
  15. Pero kahit kailan mo silang lulunurin.
  16. May magagandang bulaklak na hindi dapat pinipitas.
  17. Huwag mo ng simulan kung sa tingin mo ay makakasakit ka lang.
  18. Ayusin mo muna ang mundong iniikutan mo bago ka kumontrol ng mundo ng ibang tao.
  19. Laitin mo kung sino lang ang kakilala mo ng personal.
  20. Kung hindi mo kakilala at hindi mo na kaya, paminsan-minsan mo na lang ito gawin.
  21. Umiyak ka kung hindi mo na kaya, okay lang yan dahil unfair naman talaga ang buhay.
  22. 'Pag tapos ka ng umiyak isipin mo naman ang magagandang bagay sa buhay mo tapos ulitin mo yung no.9.
  23. Maikli lang ang buhay, mamuhay ka ng masaya at sa paraang gusto mo.
  24. 'Wag mo ng isipin to, basta wag ka lang aapak ng kahit na sino.
  25. Kanya-kanyang diskarte yan. Depende kung kanino mo gustong ialay ang buhay mo, sa minamahal mo, o nagmamahal sa'yo!


0 comments: