Pages

Sunday, August 21

Dala siguro ng kabataan kaya ganyan.
Tumatanda pero ang utak naiwan sa oras nung gumawa sila ng napakahalagang desisyon.
Leggi tutto >>

Sunday, August 7

25 things 4ME & 4U.

  1. Huwag mag-maganda.
  2. Huwag mag-inarte.
  3. Huwag mag-feeling seksi.
  4. Huwag gawin ang 1, 2,at 3 paminsan-minsan.
  5. Inuulit ko, paminsan-minsan.
  6. Mamuhay ayon sa prinsipyo mo.
  7. Panindigan mo ito.
  8. Matutong tumanggap ng kritisismo kung alam mong may mali sa mga prinsipyo mo.
  9. Palaging ngumiti.
  10. Tapos ngumiti ka pa ulit.
  11. Ngitian ang lahat ng makakasalubong mo.
  12. Pwera na lang sa mga manyak.
  13. Huwag kang lumangoy sa bahang dulot ng ibang tao.
  14. Hayaan mong sila ang maki-agos sa bagyong dala mo.
  15. Pero kahit kailan mo silang lulunurin.
  16. May magagandang bulaklak na hindi dapat pinipitas.
  17. Huwag mo ng simulan kung sa tingin mo ay makakasakit ka lang.
  18. Ayusin mo muna ang mundong iniikutan mo bago ka kumontrol ng mundo ng ibang tao.
  19. Laitin mo kung sino lang ang kakilala mo ng personal.
  20. Kung hindi mo kakilala at hindi mo na kaya, paminsan-minsan mo na lang ito gawin.
  21. Umiyak ka kung hindi mo na kaya, okay lang yan dahil unfair naman talaga ang buhay.
  22. 'Pag tapos ka ng umiyak isipin mo naman ang magagandang bagay sa buhay mo tapos ulitin mo yung no.9.
  23. Maikli lang ang buhay, mamuhay ka ng masaya at sa paraang gusto mo.
  24. 'Wag mo ng isipin to, basta wag ka lang aapak ng kahit na sino.
  25. Kanya-kanyang diskarte yan. Depende kung kanino mo gustong ialay ang buhay mo, sa minamahal mo, o nagmamahal sa'yo!
Leggi tutto >>

Tuesday, August 2

Congrats

Binabati kita!

Wala ka na ngayun sa puso ko.

Hindi ka na parte ng pagkatao ko!

Ang nakaraan ay pawang mga ordinaryong araw na lang na lumipas.

Binabati kita!

Malaya ka na!

Hindi ko alam kung may pakialam ka pa ba? Hindi rin ako sigurado kung sumagi man kahit konti sa isipan mo ang walang kwenta nating nakalipas. Pero wala na akong pakialam dun. Masaya ka na, at sana patuloy ka pa ring sumaya! Mabuhay ka sa paraang gusto mo. Hayan ka na! Heto na ako! Alam ko medyo lugi ako,  pero hayaan ko na lang, ginusto ko naman e. Pero ngayun heto na talaga ako..

Batiin mo naman ako!

Malaya na ako!
Leggi tutto >>