Pages

Tuesday, July 26

Thumbs Up

Bilib ako sa mga bloggers na parang ang sisipag mag-type at mag-isip ng napakahahabang blog na may sense. Minsan kasi ang sarap basahin. Kahit dun sa mga may kaya lang, bilib na din ako e. Kaya nga bilib ako sa sarili ko dahil kaya kong mag-type at mag-isip ng ganun kahahabang blog. Nga lang kadalasan walang Sense! Patay tayo dyan!
Leggi tutto >>

Sunday, July 24

The Past

"Ang saya nya 'pag magkasama sila, kaya okay na ako! Okay na ako!"

Sa panaginip ko kagabi, magkasama sila at ang saya saya nila. Ang sakit! Ang bigat sa dibdib. Gusto kong umiyak pero walang luhang lumalabas. Pero walang mas sasakit pa nang makita ko syang masaya sa piling ng iba. Gusto kong isigaw na ako na lang, ako na lang ulit, kaso hindi pwede, hindi uubra. Kaya niloko ko na lang ang sarili ko na, dahil masaya sya, okay na ako! Pwede na akong lumayo kahit sugatan at luhaan.

Hindi mo talaga makikita ang halaga ng isang tao hangga't hindi sya nawawala sa piling mo. Ngayung wala na sya, saka mo maaalala ang saya at sarap tuwing kapiling mo sya. Kung pwede lang ibalik ang nakaraan. Kung pwede lang tayo na lang ulit. Kung pwede lang....
Leggi tutto >>

Saturday, July 16

Ang Bahay ko

Huwag mong sukatin kung gaano katagal o kabilis ang paglipas ng panahon. Bakit hindi mo bilangin kung gaano kadami ang masasaya at magagandang ala-ala ang nangyari sa 'yo at sa mga taong mahal mo habang lumilipas ang bawat segundo ng panahon mo.

Eto na naman ako sa pagbibilang ng edad ko. Disinwebe na ako. Sa isang taon, bente na! Ang bilis nga talaga ng panahon. Hindi na ako teen-ager. Pero considered na nga ba talaga akong matanda? Pati nga crush ko ina-ate na ako e. Ilang araw, linggo, buwan, taon na lang magbabago na ang lahat sa buhay ko. Ibang-iba na di tulad nang nakasanayan kong gawin sa araw-araw.

Pero masaya akong sabihing madami akong natutunan ngayong nag-kolehiyo na ako. Hindi lang sa loob ng classroom, hindi lang din sa mga libro, kundi sa loob ng bahay na hindi naman sa akin. Ito yung bahay na tinutuluyan ko habang nag-aaral ako ng nursing sa Balanga. Hindi sya sa akin pero madami syang tinuro sa akin na marahil dadalhin ko na hanggang tumanda ako.

Mga gawaing bahay na dun ko lang naranasang gawin (Pramis!). Natutunan kong mag-laba, mamalantsa, mag-luto, at higit sa lahat mamuhay ng mag-isa. Pati nga pag-gawa ng yelo, dun ko lang na-realize na hindi ko pa pala nagagawa kahit kelan. Yung mga bagay na akala kong madali lang gawin, e mahirap pala. Balang araw, kung kumikita na ako, siguro kakayanin ko na talagang mamuhay nang hindi dumidepende sa mga magulang ko.

At pinaka-gusto ko sa lahat ng natutunan ko, e yung pakikisama. Hindi ko mapipili ang makakasama ko sa loob ng bahay kaya anuman ang ugali, kultura at pamamaraan nila, kelangan kong pakisamahan at intindihin. Natutunan ko ding ilugar ang sarili ko sa dapat kong kalagyan. Basta yun na yun. At ang pagka-kaibigan namin, natutunan kong hindi naman pala talaga kailangan ng matagal na pagsasama para makabuo ng connection sa isa't isa. Posible palang maging kaibigan mo ang isang tao ng isang iglap lang.. gamit ang matamis na ngiti at pakikisama, para na rin kayong magkakilala ng napakatagal na panahon. Dahil dito, hindi na lang sya basta batong bahay, tinuturing na namin syang tahanan.

Ang dami ng ala-ala ng bahay na iyon sa akin. ang hindi ko na lang ata nararanasan e ang umibig sa tahanang iyon. Chos lang! (I'm looking forward to that!)

Balang araw iiwan ko din ang lugar na iyon, pero hindi ang mga ala-alang ibinigay at naranasan ko habang nakatira sa lugar na itinuturing naming tahanan. Sa muling pagbalik ko balang araw, at pinalad na swertihin sa buhay, isa sa mga pasasalamatan ko e ang tahanang minsang nagpasilong sa akin at nagturo ng madaming leksyon. Salamat sa'yo!



Sana sa pagka-graduate ko, e maranasan ko pa ding mag-inom dun. :)
Leggi tutto >>