Pages

Tuesday, May 17

Lumuluma na ang aking Gitara

Kung may isang 'bagay' siguro akong pinaka-pinahahalagahan sa buhay, e gitara ko yun. Ayokong magas-gasan yun. Ayoko ngang ipahiram dati yun kahit kanino e. Kaya nung minsang pinahiram ko yun sa pinsan ko para sa panga-ngarolling, tapos inabutan sila ng ulan, todo alala ako nun. Tinext ko pa ang pinsan kong hindi ko naman tinetext dati para tanungin ang lagay ng gitara ko. Nung nakarating sa akin ang gitara ko ng buhay, at may konting patak ng ulan, pinunasan ko na lang. Wala naman akng magagawa e.

Nitong mga nakaraang buwan, napansin ko, hindi ko na pala sya nagagamit. Bale busy kase sa pag-aaral. Nasa isang tabi lang sya at naka-case. Nakikita ko sya, pero hindi ko ginagalaw. Feeling ko lage akong wala sa mood. Ngayung bakasyon ko na lang sya ulit nagagalaw.

Kanina, nunng nilapag ko ang gitara ko pagkatapos kong gamitin, nakakita ako ng gasgas sa gilid. Tinitigan ko pa ulit sya, hanggang sa nakakita pa ako, at nakakita pa ulit. Well! Sabi ko sa sarili ko, mumurahin lang naman ang gitara ko, so anung big deal dun? Parang sa tao, normal aging process, ang lahat ay tumatanda at nagbabago ang itsura. 

Nakakatawa lang, yung dating halos pinakamahalaga at pinakamamahal kong bagay, ni ayaw kong ilapag sa sahig at sa mga kanto ng upuan kung walang case, ay parang isang ordinaryong bagay na lang kung ituring ko. Parang isang appliance na lang dito sa loob ng bahay, naaalikabukan, pumapangit at lumuluma. Malayong-malayo sa pagpapahalaga ko sa kanya nung una ko syang makasama. 

Ang awkward nga naman ng buhay. Ngayon maganda, bukas losyang na. Sikat ka noon, ngayon laos na. Pinagtatawanan lang dati, ngayon boss ka na nung mga tumatawa. Nilalait ka dati, ngayon super model ka na, at sa abroad pa. Dati ikaw ang nanglalait, ngayon ikaw na ang nilalait. Katulong lang noon, ngayon nakatira na sa mansyon. Pinagsisilbihan ka lang noon, ngayon ikaw na ang katulong. Lokohan lang dati, ngayon seryoso na. Ngayon mahal ka nya, bukas may kasama na syang iba. Dati pinahahalagahan mo sya higit pa sa buhay mo, ngayon hindi na kayo magkakilala.

Wala talagang permanente sa mundo, lahat nagbabago. Kahit ang love na nararamdaman nyo sa isa't-isa, sooner mawawala din yan. At kung humantong kayo sa altar, at magsama ng matagal. Unti-unting  ang pagmamahal ay maglalaho kasabay ng inyong pagtanda. Magsisimula ulit kayo sa umpisa, kung saan kayo unang naging magkaibigan. At yun ang magiging dahilan para manatili kayong mukang nagmamahalan.


0 comments: