Pages

Sunday, March 27

LOVE Story namin ni Mario Maurer :)

Goodbye 3rd year na nga ba? o Helo 3rd year ulet?? Haha. LOL. Wag naman sana.. Finals week na, After nito ('pag pumasa) e clearance na. Tapos bakasyon na. I'm so excited na! Wala kaming summer class ngayon kaya pahirapan na naman sa paghiga at pagco-computer. Haha. Ano kayang magandang gawin ngayong summer?? Hmmmpp... Naggawa ako ng listahan na gusto kong i-accomplish ngayong summer. Hehe.

1. Magkulay ng buhok. Well! yang idea na yan ay from my idol, Yeng Constantino. Gusto ko ganung high lights din sa buhok ko. Assorted ang kulay, tapos sa may bangs lang. O di ba? ang Lupet! haha... Gusto ko walking rainbow ako ngayong Summer. Inam!

2. Magpa-hikaw sa Dila. Pangarap ko talaga yan ngayon. Gustong- gusto ko na nyan kaso wala pa akong natatagpuang nagbubutas ng dila. 'Di naman ata pwede yan sa Ricar, aba'y makahiya namang dumila sa loob ng mall anu? haha.. Saka nakakatakot ding magpabutas sa kung saan lang. Baka mahawa pa ako ng mga sakit. Mahirap na!

3. Mag-apply sa isang Summer Job. Bukod sa sweldo e syempre gusto ko din na maging makabuluhan ang bawat araw ko ngayong Summer. Hehe. Tapos 'pag mag-iinom, edi hindi na ako hihingi ng pang-ambag kay mama. May sarili na akong pera. Ahihi!

4. Mag-papayat. May isa akong classmate na sinabihan nun ng, "Antayin mo, sa summer papayat din ako!", matapos nyang sabihing ang taba ko. Tapos ang sagot nya sakin, "Mas tataba ka pa sa summer! Haha..". Wala lang, nakaka-challenge lang. :) Kaya gusto ko ng summer job para makatulong ding pumayat ako e. HIHI.

5. Magpa-Brace ng ngipin. Ito na siguro ang pinakaimposibleng mangyari sa lahat ng wishlist ko. Haha. Kahit ata 24 hours akong mag-trabaho sa summer e hindi ako kikita ng sapat na pera para makapagpa-brace. Kaya, hayaan mo na lang sya. haha.



Pagkatapos ng summer anu na? 

4th year na ako! Isang taon na lang, ga-graduate na kami! Awooo. Nakaka-excite. Ano kaya ang itsura ko sa grad picture ko? Haha. Kailangan kong paghandaan yun. MAGPAPA-PAYAT talaga ako! :) Teka, kailangan muna pala akong makapasa.. Kaya ko yan. Aja! haha.


Pagkatapos ng graduation paano na?

Magdidiwang muna ako. Kase hindi pa talaga katapusan ng mundo. Party all the way! Woooo.. 
Tapos. . . . 
. . . . . . . .
. . . . . . . .
. . . . . . . .
. . . . . . . . 
. . . . . . . wala na pala akong baon! Hindi na ako estudyante! Aww!! Nakakalungkot.. Kailangan ko ng mag-trabaho. Pero syempre i-papasa ko muna ang board exam! 

Magiging topnotcher! 
Sisikat sa Bagac! 
Ipagma-malaki ng lahat ng naging teacher ko mula kinder! 
Dadami ang friends! 
Pagkaka-guluhan ng lahat ng Hospital! 
Kikita ng malaki! 
Yayaman! 
Magkakaroon ng madaming madaming pera! 
Sisikat sa t.v.! 
Magiging artista! 
Liligawan ni Mario Maurer! 
Papakasalan ni Mario! 
Mamumuhay ng masagana! 


And they Live Happily ever after..    


*The End*


1 comments:

Chinita.012 said...

eto ang tunay na KAIBA! haha..