Pages

Saturday, March 26

Sakto

Isang bagay na natutunan ko sa palagian kong pagkain sa McDonald's fast food Chain... 

"Kung alam mong tama ka, ipaglaban mo! Tama ka e.".. 

Yan ang sinasabi ko sa isip ko sa tuwing nagpapatamaran ang mga kasama ko na um-order sa counter, na dapat e sila naman talaga. Sabihin na nating nagbibilang ako ng mga magagandang gawain na ginawa ko sa kapwa ko, pero syempre dapat yung sakto lang. Hindi yung lagian na lang kami ang umo-order para sa aming lahat. Syempre sa susunod kami naman ang oorder, ganun lang ang buhay, Give and Take. Hindi puro take ng take, hindi rin puro Give ng Give. 

Sakto lang dapat ang buhay. Masama ang sobra, masama din ang kulang. Sakto ang pagmamahal, saktong pag-aaruga, saktong ngiti, saktong simula, at saktong pagtatapos.


Ang babaw no? ^.^

0 comments: