Pages

Tuesday, March 22

Facebook, Wer na U?

Buhay ko na ang Facebook. Kasama na sya sa pang araw- araw kong routine. Ang araw ko ay hindi kumpleto kung walang bagong status, bagong friend request, mga notifications, at sandamukal na comments. Hindi na siguro ako mabubuhay kung walang facebook. 

JOKE! :)

Naiirita lang ako sa facebook ngayon. Hindi ko magamit, hindi ko mapakinabangan. Nakaka-badtrip! Nagsisimula pa lang ako na i-revive ang na-stock kong facebook e, tapos ganun. Feeling ko, kailangan ko ng public apology galing sa mga administrator ng social networking site na yan! Kairita!

Nagsimula ang lahat the night before yesterday...........

Kinatamaran ko ng mag-laro sa facebook. Ayoko ng mag-luto sa Baking Life, ayoko ng magpakain ng mga alaga ko sa Pet Society, at mas lalong ayoko ng magtanim sa Farmville. Laos na lahat yun! Ang uso ngayon ay ang unintentional stalking. Bilang dakilang chismosa, ang facebook ay ginagamit ko na lang para masundan ang bawat buhay ng mga taong kilala ko ng personal, kilala ko sa pangalan lang at kahit nga hindi ko mga kakilala e nasusundan ko ang buhay dahil sa FB. Kahit minsan nakakairita na makita ang takbo ng love story ng mga taong 'to, e somewhat nakaka-enjoy din. Masaya ding makabasa ng mga nagpaparinig sa mga staus na naghahamon ng away, agawan ng boyfriend at minsan mga nag-aaway na talaga. Nasusundan ko din dito mga bagong hairstyle ng mga friends ko. Dito din nahasa ang pagiging photogenic naming lahat (haha). Minsan may mga nakakaintriga din, tulad ng mga scandal sa pictures at videos na pino-post ng mga kaaway nila. Bongga!

Tapos isang araw biglang pag log-in ko e ibang format na ang nakita ko. Lahat ng letra ay nasa Left side. Walang home, chat, profile, ang lahat ay parang tanga lang! Makairita!

Nag-hintay ako sa pagbabalik ng normal nitong itsura......

Umaga. Logging-in... Ta*****!! Ganun pa din. Li****!! Maya-maya aalis ako kasi may gagawin kami ng mga classmate ko, isang mahiwagang case study. Sana pagbalik ko ok na ang lahat!

Galing kaming dagat. Hinid ako nakaligo, kasi meron ako, sayang ih! Bute na lang naka-sight ako!! Ayiii!! Kileg... 

Natuwa ang puso ko, kasi ok na facebook ni mama. Okay! My turn. Logging-in....

LI****!!! P***!! HA***!!

Ano to? My favoritism? Discrimination... Nung ako na ang humawak ala na uling facebook? Ihh...

At ngayon, pag-uwi ko galing sa napaka-init na Seminar, ti-nry ko sa iba't-ibang browser. Opera, Safari at Maxthon 3, aba't pare-parehong wala.

Susuko na lang siguro ako. Hai naku po.. Ang buhay ko ay wala ng kwenta!


JOKE :)



0 comments: