Pages

Monday, March 14

End of the World

Kung magugunaw na kaya ang mundo gaya ng sinasabi ng ilan, at gaya ng sinasabi 'daw' ng bibliya..... may makakaretrieve pa kaya ng mga blogs ko? May makakabasa pa kaya ng mga sinulat ko tungkol sa buhay ko? May makakaalam pa kaya kung paano ang buhay ngayon? Na may isang taong nagsusulat ng mga blogs na tila ba walang kwenta sa paningin ng iba? May makakatuklas pa kaya na may isang tulad ko na nabuhay sa gantong panahon?

Ang dami na ngang nagaganap ngayon dito sa mundo. Ayoko man aminin, ayoko man sabihin, at ayoko man isipin, parang nagkakatotoo na nga ata ang mga propesiya (from the movie 2012). Na gusto pang patotohanan ng mga nagsasabing sila ang sugo ng Panginoon, ang inilalahad daw sa bibliya ay nagaganap na nga ang mga senyales sa darating na paghuhukom. 

Ni sa hinagap ko ay hindi ko naisip na magugunaw ang mundo bago pa ako makagraduate. Sa dinami dami ko ba namang pangarap, lahat pala yun ay hindi ko maaabot dahil sa katapusan na ng lahat. 



Ang lindol sa New Zealand.

Ang giyera sa Libya. 

At nito nga lang ay naganap ang tsunami sa Japan 
na may kasamang lindol at mga sunog. 
Hindi pa natatapos dun. 
Meron pa ngang sumabog na Nuclear Power Plant 
na delikado sa kalusugan 
ng hindi lang ng mga tiga Japan 
kundi pati ng buong mundo.


Nakakatakot ang mga balita. Walang nakakaalam ng mga mangyayari. Hindi natin alam kung nagsisimula na nga ba.. Kaya ngayon, gusto ko ng makipag-ayos sa mga nakaalitan ko, yakaping mahigpit ang mga mahal ko sa buhay, ngumiti araw-araw, sabihan ng 'mahal kita' ang pamilya ko bawat oras, gumawa ng mabuti sa lahat ng tao, at magdasal sa Panginoon na sana hindi nga totoo ang lahat ng sinasabi sa balita. Sa madaling salita, gusto ko ng magbago. Palitan lahat ng masasamang ugaling nakagisnan ko.

Pero gusto ko sanang isama sa Listahan ko ang mag-aral mabuti, pero kasi naisip ko, kung sakaling totoo nga ang lahat, edi sayang naman ang effort at oras ko? Sa halip na gumagawa ako ng maganda sa kapwa ko e nagpapaka-subsob ako sa pag-aaral. But on the other hand, kung mag-aaral akong mabuti, ginagawan ko ng din ng maganda ang aking mga magulang. At least maiisip nila na hindi sayang lahat ng pera at sakripisyo nila para pag-aralin ako. So para din palang 'two birds hit by a one stone'. Nag-aaral na akong mabuti na makakatulong sa akin sa aking hinaharap kung sakaling hindi totoo ang pagkagunaw ng mundo, at gumagawa na din ako ng mabuti sa aking mga magulang at pamilya. Hindi na rin masama....



Let's pray for our SAFETY!!!!




0 comments: