Pages

Saturday, February 12

Nakakainis..

Sabado. Nagbabyahe pa din ako papunta ng balanga na dapat ay nagpapahinga na lang ako at nagre-review sa bahay. Napansin kong mula ng umuwi ako sa bahay namin ay palagi na akong nakasimangot. Palagi na lang akong badtrip. Lagi na lang akong naiinis. Nagsimula siguro yun ung isang linggo pa, mula ng magkagalit kami ni mama ko, na hanggang ngayon ay dala-dala ko pa.

Hanggang facebook ay madami ding mga taong nagii-status na madami silang mga problema. So uso pala talaga nagayong malamig na panahon ang mukang nakasimangot at nalulungkot.

Tapos na akong maligo nang maalala ko kakakain ko lang pala. Nabasa ko pa man din kagabi na sa tuwing maliligo ka after mong kumain, nagre-release ang katawan natin ng certain enzyme na nagde-delay ng digestion ng pagkain sa ating tiyan. Nakakainis! Nagpapapayat ako e.

Nagbihis na ako. Magsisimula na ding mag-make up, liquid eye liner sa may talukap ng mata. Shit! Nagalaw ko, tumapon tuloy yung laman sa kama. Nakakainis! Kalalaba lang ng bed sheet na yun e.

Nakakainis! Kailangan ko pang bawasan yung marka nung napakadaming itim na yun sa bed sheet bago ako umalis. Na-stress pa ako.

Nakakainis! Kung kelan ako aalis dun dumating si Ate vicky. Hindi na naman tuloy nalinisan yung kuko ko sa paa.

Nakakainis! Kumukulimlim, nagdala pa man din ako ng napakalaking payong. Mukang hindi pa ata magagamit a.

Nakakainis! Ang lakas-lakas ng hangin, parang mabubura ng mabubura yung mukha ko.

Nakakainis! Ang laking lalaki ng katabi kong tulog. Nasisisiksik ako sa may bintana. Ang sakit tuloy sa balikat.

Nakakainis! Wala akong suklay. Panigurado buhol-buhol na naman ang buhok ko!

Nakakainis! Walang olay sa vercons, namili pa tuloy ako sa pharmacy. ang mahal naman!

Nakakainis! Kasi ang mahal mahal pala ng mga simpleng ginagamit ko sa bahay namin sa Balanga tulad ng mga shampoo. Kaya pala ako naghihirap dahil sa mga yun.

Nakakainis! Naaalala ko na naman ang mga utang ko. Kelan ko kaya sila mababayaran?

Nakakainis! Nakakakita ako ng mga pusong gawa sa art paper na nakadikit sa mga puno sa Parang. Naiinis ako dahil wala naman akong ka-Valentine, bakit kailangan ko pa silang makita?

Nakakainis! Kung kelan malapit na ang byahe sa terminal, saka pa ako inantok ng sobra.

At ang pinaka-Nakakainis! E yung aaminin ko na naghahanap lang talaga ako ng mga bagay na nakakainis para mailiagay ko sa blog na to!

Maling tignan lang ang mga mali sa iyong paligid.
Maling mag-focus sa mga wala ka,
sa mga nakakairita sa'yo,
sa mga kinaiinisan mo.

Dapat tayong magpasalamat sa lahat ng meron tayo kesa mainis dahil may mga bagay o taong wala sa piling natin at kailan man ay hindi natin makakamtan. Mahalin ang lahat ng meron ka, ngumiti sa mga simpleng biyayang binigay sa iyo, at araw-araw pasalamatan ang Panginoon sa isang simpleng rason na hanggang ngayon ay humihinga pa ka pa. 


Sana ngayon ay alam ko na..




0 comments: