Pages

Saturday, February 12

Ang Totoong Kulay ng Valentines Day.

Ang Sabi Nila....

Magmahal ng walang humapay.
Magmahal hanggang sa maabot.
Magmahal hangga't kaya.
Magmahal ng walang kapalit.
Magmahal hanggang sa dulo ng walang hanggan.

Ang sarap nga namang mahalin ng isang taong minamahal mo din. Ang salitang PAGMAMAHAL, simpleng salita na nagpapa-ikot sa mundo ng bawat isa.

"Mahal Kita!"
"Mas Mahal kita!"

May tatalo pa ba sa katotohanang ang dalawang tao ay NAGMAMAHALAN? Against all odds ang drama. Ang sarap harapin ng bukas kung kayong dalawa ang magkasama. Ang sarap labanan ng mga problema kung alam mong may isang tao kang kaagapay at katulong sa pakikipaglaban. Sa madaling salita, ang sarap mabuhay kung ikaw ay isang taong nagmamahal, at minamahal.


Ang Sabi Ko....


Valentines Day na. Hindi talaga ako excited. Paano ba naman ako magiging excited e wala naman akong jowa. Walang isang taong nagmamahal sa akin na minamahal ko din. Ang araw na ito ay hindi masaya o nakakakilig na araw para sa akin. Malungkot ito! Malungkot! Hanggang pangarap na lang ba ang lahat ng pagmamahal na hinihingi ng isang babaeng katulad ko? 

Ito ang totong kulay ng Valentines day!! Madaming malungkot na single. Niloko, nawalan, iniwan, pinaasa, sinaktan. Kaya hindi makatarungan na sabihin na Happy ang bawat araw ng Valentines day. Madaming patuloy na nasasaktan at umaasa. Madaming puso ang patuloy na nagdurugo. Madaming mata ang patuloy na umiiyak. Madaming tao ngayon ang patuloy na nagdurusa dahil sa lintek na pagmamahal na yan. Kaya bakit ang mga nagmamahalan ay binigyan ng isang araw na para lang sa kanila? Bakit ang mga luhaan ay wala? Wala bang "Happy Moving On"? "Happy New Life"? "Happy To Be Single"? "Happy without a Fuck"? 

Unfair talaga ang buhay. Kailangan na nating tanggapin ito. Hindi lahat ay makukuha. Hindi lahat ng nasasaktan e dapat ikomfort. Pabayaang lumakad sa sarili nilang mga paa. Pabayaan silang lumipad sa sarili nilang mga pak-pak. At pabayaang sumaya sa sarili nilang paraan.  Go on.. Move on..

Besides, wala naman tayong magagawa kundi ang maging masaya na lang para sa kanila....



0 comments: