Pages

Saturday, February 26

Crazy Little Thing called LOVE

Noong isang linggo ko pa nakita tong pelikula na to. Napanuod ko yung trailer nya, at na-catch kagad nito ang puso ko. Simpple at hindi na bago ang tema nito pero iba pa rin talaga ang dating para sa akin. Kwento ng babaeng nagmamahal ng isang tao, isang studyante din tulad nya, pero malayong agwat nila sa isa't isa kung pagbabasehan ang itsura. Pinilit nyang baguhin ag kanyang sarili, mula sa kanyang itsura, hanggang sa kanyang pag-aaral.

Mula pa noong una ay mahal na nila ang isa't isa pero sadyang hindi magtagpo ang kanilang panahon, hindi sumasang-ayon ang pagkakataon. Pero gaya nga ng sabi ng lahat, "Kung kayo, kayo talaga". Kahit lumipas man ang ilang taon at mag-iba man ang panahon, ang tunay na pag-ibig ay hindi maglalaho, at magbabago.

Ang magandang punto ng storyang ito, ay hindi naging dahilan ang pagiging magka-iba nila ng itsura para isadlak nya ang kanyang sarili, sa halip ginamit nya ang katotohanang ito sa magandang paraan. Nagpaganda sya at hindi natakot gawin ang mga bagay-bagay, nag-aral ng mabuti hanggang sa nakapag-aral nga sa America. Ginamit nya ang pagmamahal sa tamang paraan kahit na ilang beses na sya nasaktan ng kalupitan ng pagkakataon.


Nakakainlove talaga 'tong music video na ito.
Ito ang Dahilan sa pagka-hook ko sa movie na ito.


Complete Episode of the Movie:




Can't Help but to LOVE again.. :)


Leggi tutto >>

Saturday, February 12

Ang Totoong Kulay ng Valentines Day.

Ang Sabi Nila....

Magmahal ng walang humapay.
Magmahal hanggang sa maabot.
Magmahal hangga't kaya.
Magmahal ng walang kapalit.
Magmahal hanggang sa dulo ng walang hanggan.

Ang sarap nga namang mahalin ng isang taong minamahal mo din. Ang salitang PAGMAMAHAL, simpleng salita na nagpapa-ikot sa mundo ng bawat isa.

"Mahal Kita!"
"Mas Mahal kita!"

May tatalo pa ba sa katotohanang ang dalawang tao ay NAGMAMAHALAN? Against all odds ang drama. Ang sarap harapin ng bukas kung kayong dalawa ang magkasama. Ang sarap labanan ng mga problema kung alam mong may isang tao kang kaagapay at katulong sa pakikipaglaban. Sa madaling salita, ang sarap mabuhay kung ikaw ay isang taong nagmamahal, at minamahal.


Ang Sabi Ko....


Valentines Day na. Hindi talaga ako excited. Paano ba naman ako magiging excited e wala naman akong jowa. Walang isang taong nagmamahal sa akin na minamahal ko din. Ang araw na ito ay hindi masaya o nakakakilig na araw para sa akin. Malungkot ito! Malungkot! Hanggang pangarap na lang ba ang lahat ng pagmamahal na hinihingi ng isang babaeng katulad ko? 

Ito ang totong kulay ng Valentines day!! Madaming malungkot na single. Niloko, nawalan, iniwan, pinaasa, sinaktan. Kaya hindi makatarungan na sabihin na Happy ang bawat araw ng Valentines day. Madaming patuloy na nasasaktan at umaasa. Madaming puso ang patuloy na nagdurugo. Madaming mata ang patuloy na umiiyak. Madaming tao ngayon ang patuloy na nagdurusa dahil sa lintek na pagmamahal na yan. Kaya bakit ang mga nagmamahalan ay binigyan ng isang araw na para lang sa kanila? Bakit ang mga luhaan ay wala? Wala bang "Happy Moving On"? "Happy New Life"? "Happy To Be Single"? "Happy without a Fuck"? 

Unfair talaga ang buhay. Kailangan na nating tanggapin ito. Hindi lahat ay makukuha. Hindi lahat ng nasasaktan e dapat ikomfort. Pabayaang lumakad sa sarili nilang mga paa. Pabayaan silang lumipad sa sarili nilang mga pak-pak. At pabayaang sumaya sa sarili nilang paraan.  Go on.. Move on..

Besides, wala naman tayong magagawa kundi ang maging masaya na lang para sa kanila....

Leggi tutto >>

Nakakainis..

Sabado. Nagbabyahe pa din ako papunta ng balanga na dapat ay nagpapahinga na lang ako at nagre-review sa bahay. Napansin kong mula ng umuwi ako sa bahay namin ay palagi na akong nakasimangot. Palagi na lang akong badtrip. Lagi na lang akong naiinis. Nagsimula siguro yun ung isang linggo pa, mula ng magkagalit kami ni mama ko, na hanggang ngayon ay dala-dala ko pa.

Hanggang facebook ay madami ding mga taong nagii-status na madami silang mga problema. So uso pala talaga nagayong malamig na panahon ang mukang nakasimangot at nalulungkot.

Tapos na akong maligo nang maalala ko kakakain ko lang pala. Nabasa ko pa man din kagabi na sa tuwing maliligo ka after mong kumain, nagre-release ang katawan natin ng certain enzyme na nagde-delay ng digestion ng pagkain sa ating tiyan. Nakakainis! Nagpapapayat ako e.

Nagbihis na ako. Magsisimula na ding mag-make up, liquid eye liner sa may talukap ng mata. Shit! Nagalaw ko, tumapon tuloy yung laman sa kama. Nakakainis! Kalalaba lang ng bed sheet na yun e.

Nakakainis! Kailangan ko pang bawasan yung marka nung napakadaming itim na yun sa bed sheet bago ako umalis. Na-stress pa ako.

Nakakainis! Kung kelan ako aalis dun dumating si Ate vicky. Hindi na naman tuloy nalinisan yung kuko ko sa paa.

Nakakainis! Kumukulimlim, nagdala pa man din ako ng napakalaking payong. Mukang hindi pa ata magagamit a.

Nakakainis! Ang lakas-lakas ng hangin, parang mabubura ng mabubura yung mukha ko.

Nakakainis! Ang laking lalaki ng katabi kong tulog. Nasisisiksik ako sa may bintana. Ang sakit tuloy sa balikat.

Nakakainis! Wala akong suklay. Panigurado buhol-buhol na naman ang buhok ko!

Nakakainis! Walang olay sa vercons, namili pa tuloy ako sa pharmacy. ang mahal naman!

Nakakainis! Kasi ang mahal mahal pala ng mga simpleng ginagamit ko sa bahay namin sa Balanga tulad ng mga shampoo. Kaya pala ako naghihirap dahil sa mga yun.

Nakakainis! Naaalala ko na naman ang mga utang ko. Kelan ko kaya sila mababayaran?

Nakakainis! Nakakakita ako ng mga pusong gawa sa art paper na nakadikit sa mga puno sa Parang. Naiinis ako dahil wala naman akong ka-Valentine, bakit kailangan ko pa silang makita?

Nakakainis! Kung kelan malapit na ang byahe sa terminal, saka pa ako inantok ng sobra.

At ang pinaka-Nakakainis! E yung aaminin ko na naghahanap lang talaga ako ng mga bagay na nakakainis para mailiagay ko sa blog na to!

Maling tignan lang ang mga mali sa iyong paligid.
Maling mag-focus sa mga wala ka,
sa mga nakakairita sa'yo,
sa mga kinaiinisan mo.

Dapat tayong magpasalamat sa lahat ng meron tayo kesa mainis dahil may mga bagay o taong wala sa piling natin at kailan man ay hindi natin makakamtan. Mahalin ang lahat ng meron ka, ngumiti sa mga simpleng biyayang binigay sa iyo, at araw-araw pasalamatan ang Panginoon sa isang simpleng rason na hanggang ngayon ay humihinga pa ka pa. 


Sana ngayon ay alam ko na..


Leggi tutto >>