Pages

Sunday, January 2

It's not yet the END

May natatapos, may nagsisimula. Hindi araw-araw masaya, pero ang mahalaga hindi araw-araw ay hinagpis. Minsan masaya ang nag-iisa, pero mas masaya pa din talaga ang may kasama. Ang lahat ay depende sa pinagsamahan, hindi naman talaga mahalaga kung paano mo ito sinimulan, ang mas mahalaga e kung paano mo ito panghahawakan.

Natapos na ang 2010. Woosshh. Isang taon na naman ang nakalipas, na ngayon ay isa na lang kasaysayan ng hindi ko namamalayan. Madami akong taong nakasama at nadagdag sa buhay ko, at pinapagpasalamat ko yun! Pero mas nagpapasalamat ako sa Diyos na karamihan ng mga lumang tao sa buhay ko ay nandito pa din at kasama ko..

Halos lahat ay humihiling sa taong ito ng madaming bagay. Sana, sana, sana.. Puro tayo sana. Ngayong 2011, bigla na lang may pumasok sa utak ko, mga katagang kaiba at hindi ordinaryo sa akin. Thank you! Sa totoo lang, hindi nga ba pwedeng puro thank you na lang? Kaya ngayon, gusto kong magpasalamat sa lahat ng mga bagay na nangyari sa buhay ko, pati na rin sa mga mangyayari pa!


  • Thank you sa pamilya ko na patuloy akong minamahal. Thank you din sa kanila dahil isa sila sa mga dahilan kung bakit masaya ang birthday ko!





(Birthday ko sa Lati namin with my beloved Family!)


  • Thank you sa mga true friends kong tunay na laging andyan tuwing inuman. JOKE! :) LOVE you all.













  • At Thank you din para sa bagong pamilya sa aking buhay.. ang KPM family.. 










  • Birthday ko nga pala kahapon, Jan. 01. So eto ang gawa ng isa kong true friend na tunay na si R.a.


Ang totoo ay masayang masaya talaga ako sa pagpasok ng taong ito. Kahit na ba 19 na ako at matanda ng maituturing. Siguro buong taon akong sasaya! :) Sa lahat ng mga bagay na bumuo at bubuo, sa lahat ng nagpakulay at magpapakulay, sa lahat ng problema at magiging problema sa lahat ng mga taong minahal, mahal at mamahalin ko.. MARAMING SALAMAT sa inyo! Ako ay hindi ako kung wala kayo! :)



*Paano na kaya ang atay ko kung halos gabi gabi ay umiinom kami? haha.. Goodluck Atay! :)




0 comments: