Pages

Saturday, January 29

Experience in MMH (Mariveles Mental Hospital)

Nag-gagawa ako kanina lang ng BioProfile ko para sa Comprehensive case study namin. Natutuwa lang ako sa mga pinagsasagot ko sa akala mo ay autograph-like na itsura nya haha. May tanong dun na Define success, magta-type na sana ako kaso naisip ko hindi naman inindicate kung 'in your own words', kaya nag-search na lang ako sa Google. Infairness, gusto ko naman ang mga lumabas na sagot, kaya pinagana ko na naman ang old fashion technique ko, Ang Copy-Paste method techniQue! eto ang sa got ko:

Define Success:           Success is when you prove yourself better than your previous self. It’s when you make a decision and be proud of it come what may. It’s when you realize to overcome all your shortcomings and learn to accept few things in life that can’t be changed.
Success is all about winning over yourself rather than the world.

Maganda sya at medyong bahagyang nagre-reflect sa tunay na perception ng buhay ko. Pero may mas matindi pa dyan sa sagot ko na yan. Dito talaga ako mas napalaban, napalaban ng English. Kasi ba naman kinareer ko talaga ang sagot ko dito, ware ako ang leader ng group namin at full emotions ang mga sinulat ko. Personally, nagandahan ako sa sinulat ko, paano ba naman kasi feel na feel ko yung mga emotions ko habang binabasa ko sya paulit-ulit. Kaya eto na sya:

Experience in MMH:                 We spent three Sundays riding a Bataan Transit Bus just to be at our dorm. The long drive was a little bit tiring but it does not matter anymore. A new experience has just begun. I am so excited to live with my group mates under a one roof. Emotions just rumbled inside my mind. I was just happy, excited, frightened, amused, and exhausted. 
                                            Did I mention I was a little bit scared of handling a psychiatric client? Yes, at first, until I realized that nothing compares to this unique experience. I will never forget the moments I've spent with my Client. He may be not mentally healthy, but I know his heart is simply kind. 
                                                 We have learned many things, we spent a lot of money, effort and prayers. We experienced to sleep 3 o’clock in the morning, ate canned foods as dinner on the floor, argued to turn off the air conditioner, take stolen pictures, laugh at our own mistakes, and to be angry at times and forget that moment and act like nothing happened. Though therapies really made us busy, as well as those long Process Recordings and MSA’s, these taught us the real essence of ‘teamwork’.
Leggi tutto >>

Sunday, January 2

It's not yet the END

May natatapos, may nagsisimula. Hindi araw-araw masaya, pero ang mahalaga hindi araw-araw ay hinagpis. Minsan masaya ang nag-iisa, pero mas masaya pa din talaga ang may kasama. Ang lahat ay depende sa pinagsamahan, hindi naman talaga mahalaga kung paano mo ito sinimulan, ang mas mahalaga e kung paano mo ito panghahawakan.

Natapos na ang 2010. Woosshh. Isang taon na naman ang nakalipas, na ngayon ay isa na lang kasaysayan ng hindi ko namamalayan. Madami akong taong nakasama at nadagdag sa buhay ko, at pinapagpasalamat ko yun! Pero mas nagpapasalamat ako sa Diyos na karamihan ng mga lumang tao sa buhay ko ay nandito pa din at kasama ko..

Halos lahat ay humihiling sa taong ito ng madaming bagay. Sana, sana, sana.. Puro tayo sana. Ngayong 2011, bigla na lang may pumasok sa utak ko, mga katagang kaiba at hindi ordinaryo sa akin. Thank you! Sa totoo lang, hindi nga ba pwedeng puro thank you na lang? Kaya ngayon, gusto kong magpasalamat sa lahat ng mga bagay na nangyari sa buhay ko, pati na rin sa mga mangyayari pa!


  • Thank you sa pamilya ko na patuloy akong minamahal. Thank you din sa kanila dahil isa sila sa mga dahilan kung bakit masaya ang birthday ko!





(Birthday ko sa Lati namin with my beloved Family!)


  • Thank you sa mga true friends kong tunay na laging andyan tuwing inuman. JOKE! :) LOVE you all.













  • At Thank you din para sa bagong pamilya sa aking buhay.. ang KPM family.. 










  • Birthday ko nga pala kahapon, Jan. 01. So eto ang gawa ng isa kong true friend na tunay na si R.a.


Ang totoo ay masayang masaya talaga ako sa pagpasok ng taong ito. Kahit na ba 19 na ako at matanda ng maituturing. Siguro buong taon akong sasaya! :) Sa lahat ng mga bagay na bumuo at bubuo, sa lahat ng nagpakulay at magpapakulay, sa lahat ng problema at magiging problema sa lahat ng mga taong minahal, mahal at mamahalin ko.. MARAMING SALAMAT sa inyo! Ako ay hindi ako kung wala kayo! :)



*Paano na kaya ang atay ko kung halos gabi gabi ay umiinom kami? haha.. Goodluck Atay! :)


Leggi tutto >>