Pages

Friday, October 28

Scratch it Off!

Hey there! I just saw this challenge from ate Leah's blog. She probably never notices me because I'm a kind of person that don't leave any comment or message or whatsoever to someone's blog but  I always visit and read her recent blogs. She and her life is simply awesome. :)


Well anyway, this moment is dedicated to this challenge so I probably move on. I have to scratch off the things I've done or those stuffs somehow related to my life. Let's start. Here it goes..


Appearance
I have/had piercings besides the ears.
I want piercings besides the ears.
I have many scars.
I tan easily.

I wish my hair was a different color.
I have friends who have never seen my natural hair color.
I have a tattoo.
I want a tattoo.

I can be self-conscious about my appearance.
I have/had braces.
I have more than two piercings.


Embarrassment
Disney movies still make me cry.
I’ve laughed so hard I’ve cried.
I’ve glued my hand to something.
I’ve laughed until some kind of beverage came out of my nose.

 I’ve touched something sharp/hot/etc to see if it would hurt.

Health
I’ve gotten stitches.
I’ve broken or dislocated a bone.

I’ve had my tonsils removed.
I’ve had my wisdom teeth removed.
I’ve had chicken pox.

I've had malaria.
I've had typhoid.
I've had jaundice.

Travel
I’ve been on a plane.
I’ve been to the US.
I’ve been to Europe.
I've been to at least one other country.
I've never been out of my country.

I’ve driven/ridden over 200 kilometers in one day.

Experiences
I’ve gotten lost in my city.
I’ve seen a shooting star.
I’ve wished on a shooting star.
I’ve seen a meteor shower.
I’ve gone out in public in my pajamas.

I’ve pushed all the buttons on an elevator.
I’ve slapped someone. 

I’ve kissed someone underwater.
I’ve chugged something.

I’ve crashed a car.
I’ve been skiing.
I’ve been in a musical.
I’ve auditioned for something.
I’ve been on stage.

I’ve caught a snowflake on my tongue.
I’ve sat on a rooftop at night.
I’ve pranked someone. 

I’ve ridden in a taxi.

Honesty / Crime
I’ve been threatened to be arrested.
I’ve broken a law.
I’ve done something I promised someone I wouldn’t.
I’ve done something I promised myself I wouldn’t.
I’ve sneaked out.
I’ve lied about my whereabouts.
I’ve cheated while playing a game.

I’ve been in a fist fight.

Death
I’m afraid of dying. 

I hate funerals.
I’ve seen someone/something die.

Someone close to me has attempted/committed suicide.
I have attempted suicide.
I’ve thought about suicide before.

I’ve written a eulogy for myself.

Materialism
I own over 10 music CDs.

I own over 10 novels.
I own over 5 electronic gadgets.
I’m obsessed with anime/manga.
I collected comic books.
I own a lot of makeup.
I own gaming console(s).
I own a car.
I own a bike.
I thrive on compliments.
I thrive on hate.

Random
I can sing low key.

I’ve stolen a tray from a fast food restaurant. I open up to others easily.
I watch the news occasionally or always.
I like to kill bugs.
I sing in the shower. 

I’m a morning person.
I’m a sports cricket fanatic.
I twirl my hair.

I care about grammar.
I love spam.
I’ve copied more than 30 CDs in a day.
I bake reasonably well.
My favorite color is either white, yellow, pink, blue, red, black, purple, or orange.

I would wear pajamas to school.
I like Martha Stewart.
I laugh at my own jokes.

I eat fast food weekly.
I’ve not turned anything in and still got an A in a certain class.
I can’t sleep if there’s a bug/insect in the room.

I’m really ticklish.
I like  chocolate.

I bite my nails.
I’m good at remembering names.
I’m good at remembering dates.

My memory sucks.
I have no idea what I want to do for the rest of my life. 


People
...used to ask if I was anorexic/bulimic.
...called me fat. 

...say I’m skinny.
...have said I’m ugly.
...have said I’m pretty.
...have spread rumors about me.

...force me to eat.
...say I eat too much.

...say I eat too little.
...say I eat too fast.

...say I eat too slow.
...have called me a genius.
...have given me gifts.

Eating
I’ve lost weight.
I’ve gained weight.

I’m at my thinnest.
I’m at my biggest. 

I’ve lost weight and kept it off.
I’ve lost weight, but gained it back.
My weight affects my mood.
I diet. 

I’m vegan/vegetarian.
I exercise.
I’ve fainted from exhaustion. 


Family
I’ve sworn at my parents.
I’ve planned to run away from home before. 

I’ve run away from home.
I have a sibling less than one year old.
I want kids.

I’ve had kids.
I’ve lost a child.

Relationships
I’m engaged.
I’m married.
I’m a swinger.
I'm in a relationship.
I’ve gone on a blind date.
I have/had a friend with benefits.
I miss someone right now.
I have a fear of abandonment.
I don't like to depend on others. 

I’ve gotten divorced.
I’ve had feelings for someone who didn’t have them back.
Someone has/had feelings for me when I didn’t have them back.

I’ve told someone I loved them when I didn’t.
I’ve told someone I didn’t love them when I did.
I’ve kept something from a past relationship.


Sexuality
I’m a cuddler.
I’ve been kissed in the rain.
I’ve hugged a stranger.
I’ve kissed a stranger.

Bad times
I regularly drink.

I can’t swallow pills.
I can swallow numerous pills at a time without difficulty.
I’ve been diagnosed with depression at some point.
I have anxiety problems.
I shut others out when I’m upset.
I don’t have anyone to talk to when I’m upset.

I have taken/take anti-depressants.
I’ve slept an entire day before.
I’ve plotted revenge. 



That's all. Now I know my life is kinda boring..
Leggi tutto >>

Monday, October 17

Every Story has Two Sides- 2


October 15, 2011
7:36 pm

Dear Diary,
Favorite subject ko na ang English mula ngayun. May matagal na akong crush sa room namin simula nung first year ako. Hanggang ngayung fourth year na kami, gusto ko pa rin sya. Kaso nga lang hindi ako yung tipo ng babae na mapapansin ng mga lalaki, lalo na sya. Hindi kasi ako maganda, hindi din naman ako katalinuhan, sapat lang, mabait lang talaga ako. Hanggang ngayun, hindi nya nalaman na may gusto ako sa kanya, ayokong sabihin, nakakahiya. Ang gaganda kasi ng mga naging girlfriends nya, walang wala ako. Heartthrob kasi sya, ako isang simpleng duck lang.

Pero kanina sa last subject namin, English, napapansin kong tingin sya ng tingin sa may gawing kinauupuan ko. Gusto kong kiligin, pero ayoko namang mag-asssume na ako nga yun dahil katabi ko ang dyosa ng section namin. Napabuntong hininga na lang ako.

Nung natapos na ang klase namin, kinausap ako ni Nikki tungkol sa project namin. Nung nakaalis na sya, parang sumabog bigla ang puso ko nang makita kong papalapit sa akin si Pao, ang crush ko. Tumingin ako sa paligid, wala ang dyosa, wala ding tao sa paligid ko. Dyos ko! Nagkakaroon na ako ng mini heart attack. Hihimatayin na ako. Kunin mo na ako Lord! Kahit ano pa sasabihin nito, ready na ako!

Pero para akong nasabugan ng dinamita nang magsalita na sya. Magkakatotoo ata ang sinabi ko kanina lang a, makukuha na ata ako ni Lord. Gusto kong lumutang sa alapaap ng sabihin nyang...
"Bev- erl- y! Ma-y sa- sabih- in ako sa'yo. Gusto kita. Pwede ba kitang ligawan?"
Anong sasabihin ko? Nagpapanic na mga neurons ko, hindi nya lang nahahalata. Teka paano ako magre-response. Hindi ako marunong sa mga ganitong mga eksena. Anong sasabihin ko? Anong sasabihin ko? Anong sasabihin ko? Anong sasabi--- 
"Masyado kang gwapo, Pao. Ayoko."
Sinabi ko yan nang nakangisi pa. Bakit nga ba? Tama ba yun? Anong klaseng dahilan yun? Dahil lang gwapo? Bakit ba yun ang unang pumasok sa utak ko. Mas gwapo pala kasi sya sa malapitan, parang isang anghel.


Hinintay ko syang habulin ako, at tanungin kung totoo ba ang mga sinabi ko. Lumingon pa ako para ipahiwatig na joke lang yun, pero hindi nya ako sinundan. Hindi nya ako tinanong kung seryoso ba ako. Nang lumingon ulit ako ng pangalawang beses, wala na sya. Nalungkot ako! Nakakainis! Gusto ko naman talaga sya e. Bakit kasi nag-inarte pa ako? Bakit hindi ko na lang sinabing "OO". Ang tanga ko!

Nakita ko sa mga mata nya nuung una akong lumingon, nasaktan sya. Nalungkot sya. Pero naisip ko din, bakit nya magugustuhan ang isang tulad ko? Hindi ako maganda. Walang-wala ako sa ibang mga dyosa dyan. Pinagtripan nya lang ba ako? Totoo kayang gusto nya ako? Kung totoo, bakit hindi nya ako hinabol? Bakit ang bilis nyang sumuko? 

Nagi-guilty ako sa ginawa ko! Pero naguguluhan din ako. Ano ba? Nakakainis! Kakausapin ko ba sya bukas? Anong sasabihin ko?

Ano ba yan? Matulog na nga lang ako. Baka bukas may sagot na ako sa mga tanong ko.
*sigh*

~Bev.
October 15, 2011
8:10 pm
Leggi tutto >>

Every Story has Two Sides- 1

October 15, 2011
8:54 pm

Kanina ko pa sya tinitignan habang nagkaklase kami sa last subject namin, English. Gusto ko sya, matagal na. Ayaw ko syang masaktan kaya hindi ko sya niligawan, pero ngayun, hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob kong 'to, pero sasabihin ko na talaga sa kanya.

After ng klase namin, hinintay ko syang mapag-isa. Hinintay ko munang umalis ang kausap nya saka ako lumapit, bago ko pa sya matunaw sa katititig. Kinabahan talaga ako. Dinig na dinig ko ang tibok ng puso ko, pero malakas ang mga paa kong humahakbang papunta sa kanya. First time nangyari sa akin to. Tuwing nanliligaw ako, hindi ako kinakabahan ng ganito. Bakit nga ba? Hindi naman sya kasing ganda ng mga naging girlfriends ko? Natatakot ba ako? Saka ko naisip, mahal ko nga sya. 

Mga ilang hakbang na lang malapit na ako sa kanya. Halos naaamoy ko na ang halimuyak ng shampoo nya. Malapot na ang pawis, tumataas na siguro ang blood pressure ko. Bahala na.

Nang kaharap ko na sya, halos ayaw lumabas ng mga salita sa bibig ko, pero makapangyarihan nga ata talaga ang pag-ibig. Kahit nauutal-utal ay nasabi ko rin sa kanya..
"Bev- erl- y! Ma-y sa- sabih- in ako sa'yo.
Gusto kita. Pwede ba kitang ligawan?"
Totoo pala yung pakiramdam na parang nabunutan ng malaking tinik sa dibdib. Nakahinga ako bigla ng maluwag. Bumagal na nang bahagya ang pagtibok ng puso ko. Bumaba na rin malamang ang presyon ko.

Pero mga ilang segundo pa, biglang nadurog ang puso ko. Totoo din pala yung pakiramdam na napagsakluban ng langit at lupa. Gusto ko nang bumaon sa kinatatayuan ko ng sabihin nyang...
"Masyado kang gwapo, Pao. Ayoko."
Medyo nabigla sya nang umamin ako, nakita ko yun sa mga mata nya. Pero nung sinabi nya ang masasakit na salita na iyon, e nakangiti pa sya. Sabay talikod at lumingon pa sya at ngumisi. Ewan ko kung anong pinapalabas nya. Masyado akong gwapo kaya ayaw nya? Naguguluhan ako. Pero isa lang ang naiintindihan ko, nasaktan ako. Nadurog ang puso ko. Sana pala hindi na lang ako umamin. Hindi pala, sana hindi ko na lang sya minahal. 

Umuwi na lang ako ng bahay na gulong gulo ang utak, pati ang puso. Hindi na din ako nakakain kakaisip. Paano ko pa sya mahaharap bukas. Hindi naman ako galit sa kanya, pero nasaktan talaga ako sa dahilan nya.  Ano bang gagawin ko? Bukod sa pagsusulat ng ganito na hindi ko naman alam kung sino ang makakabasa? 

Matutulog na nga lang ako. Baka bukas matino na utak ko. Alam ko na ang sagot sa mga tanong ko.
*sigh*

~Pao.
October 15, 2011
9:23 pm
Leggi tutto >>

Wednesday, September 28

Modern Juan Tamad

Sana ang buhay parang buhay lang sa Sims Social. Walang ibang problema kundi ang kumain, matulog, umihi, maligo, magsaya at makipagbeso-beso sa mga tropa mo. Ang dali lang. Napakabasic ng buhay! May mga task kang dapat matapos, pero kung hindi mo matapos, e anu ngayun? Basta't may konting naipundar ka na, at kuntento ka sa buhay, swak na ang pangangailangan mo!

Pangarap kong magkaroon ng isang simpleng buhay. Simple lang. Kakain, matutulog, magtatrabaho, kung pwedeng hindi na mag-aral edi mas maganda! Simple lang.

Buti pa nga yang mga Sims na yan, ang sweswerte ng buhay. Hindi naman sila ang nagpakahirap ipundar ang bahay nila, hindi sila ang mga nagmukhang 'gay' na nagpo-post ng kung ano anong clickables sa wall nila, hindi naman sila yung lumunok ng hiya nila para ichat kahit sino maibigay lang ang pangangailangan ng sims nila. Hindi sila! Umiikot ikot lang sila sa bahay. Naglalakad-lakad! Walang kwenta!

Kahit imposible, minsan pinapangarap kong maging isang sims na lang. Hindi sa dahil komplikado ang buhay ko. Madalas, tinatamad lang ako.

Pero Joke lang.. Mahal ko ang buhay ko! Dahil alam kong may ibang nagmamahal sa buhay na ito, hindi lang ako!

Dito na lang ako mga sims. Peace be with ya!
Leggi tutto >>

Monday, September 19

Ano nga ba ang wala kay Adan para magmahal si Eba ng kapwa nya Eba?


Sabi nila, age doesn’t matter daw… kung gayon, pwede din kayang gender doesn’t matter??
Kung akala nyo tungkol sa akin yan, hindi no! Straight ako! Walang curve, pati sa katawan wala. De joke lang. haha. May nangyari lang kasi kanina sa classroom namin… ganto yun…
Last subject na namin, medyo inaantok na ako. Actually inaantok na talaga ako. Magrereport sana kaming lahat kanina, pero hindi na nangyari kasi naghahahbol daw si ma’am ng oras dahil 2 meetings na lang kami sa kanya. Taimtim pa akong nagno-notes. Nakikinig ng wagas. Hanggang natapos na ang 30 minutes capacity ng utak kong makinig, nagsimula na akong antukin.
May biglang kumatok sa pintuan namin. Halos lahat kami ay nakatingin sa gawing pintuan. Hinihintay naming buksan nya ang pinto para magexcuse kay ma’am dahil ganun naman ginagawa ng karamihan, pero hindi nya binuksan. Kumatok pa ulit sya, at isa pa, saka lang binuksan ng kaklase ko ang pintuan.
Isang babaeng naka-shades, matangkad, matikas, medyo balingkinitan, boyish ang tao sa likod ng pinto. May dala syang bouquet ng flowers, yung pina-arrange pa talaga. Pamilyar ang mukha nya sa akin. Madalas ko syang nakikita noong intrams, sumisigaw at nagche-cheer sa panig ng CNM. Sya yung taong umaangat palagi ang boses at nanlalait sa kalaban nang harap harapan sa kanila. Below the belt na minsan mga sinasabi nya pero tuwang tuwa pa rin ang mga tao, kasi nga ball games yun, hindi talaga maiiwasan ang laitan at asaran.
So back to the topic. Hinanap nya ang isa kong classmate na babae. Yung iba kong kaklase kinikilig ng wagas. May mga nagtitilian, may mga sumisigaw ng ‘ayiiii’, may mga wagas kung makangiti. Ako, poker face! Chos! Syempre, nakangiti ako, na medyo confused. Kaso nga lang sa kamalas-malasan ay absent yung hinahanap nya. Napamura na lang sya. Hindi ko nakitang nagmura sya, pero may nagsabi sakin. Feeling ko napahiya kasi sya! Malas! Tsk! Tapos nun hindi ko na alam nangyari sa kanya.
Ilan sa mga kaklase kong babae ang nahihilig makipag-relasyon sa kapwa nila babae. Hindi sa nadi-disturb ako, medyo curious lang. Ano nga ba ang dahilan?
May narinig lang ako dati, galing lang sa kung saan saan. May isang lalaking naglakas ng loob na itanong sa isa sa kanila, ano nga ba ang gusto nila sa mga boyfriend a.k.a girlfriend o kung anupaman nila, gayong wala naman silang mga t*ti? Ang sagot nila sa kanya, hindi lang yun ang sukatan ng pag-ibig, hindi lang puro panlabas na kaanyuan. Ayon naman dun sa nagtanong, mas maganda pa ring may t*ti ang syota mo. Ang sabi naman nila, ang realsyon ay hindi lang puro kalibugan.
Hanggang sa walang nanalo sa kanilang pagtatalo….
Dati mas uso ang lalaki sa lalaki, ngayun, unti unti nang umuusbong ang makabagong trend ng pagmamahalan. Ang babae sa babae. Alam ko dati pa man nangyayari na ‘to. Siguro ngayun lang ako naka-observe at namulat ang mga mata ko sa gantong karaming klaseng relasyon sa buong buhay ko, na ang bilang nila ay higit pa sa inaasahan ko.
Wala naman talaga akong side sa issue na ‘to. Gusto ko lang mag-share.
Siguro nga kung may age doesn’t matter, uubra na din ang GENDER DOESN’T MATTER!

Leggi tutto >>

Sunday, August 21

Dala siguro ng kabataan kaya ganyan.
Tumatanda pero ang utak naiwan sa oras nung gumawa sila ng napakahalagang desisyon.
Leggi tutto >>

Sunday, August 7

25 things 4ME & 4U.

  1. Huwag mag-maganda.
  2. Huwag mag-inarte.
  3. Huwag mag-feeling seksi.
  4. Huwag gawin ang 1, 2,at 3 paminsan-minsan.
  5. Inuulit ko, paminsan-minsan.
  6. Mamuhay ayon sa prinsipyo mo.
  7. Panindigan mo ito.
  8. Matutong tumanggap ng kritisismo kung alam mong may mali sa mga prinsipyo mo.
  9. Palaging ngumiti.
  10. Tapos ngumiti ka pa ulit.
  11. Ngitian ang lahat ng makakasalubong mo.
  12. Pwera na lang sa mga manyak.
  13. Huwag kang lumangoy sa bahang dulot ng ibang tao.
  14. Hayaan mong sila ang maki-agos sa bagyong dala mo.
  15. Pero kahit kailan mo silang lulunurin.
  16. May magagandang bulaklak na hindi dapat pinipitas.
  17. Huwag mo ng simulan kung sa tingin mo ay makakasakit ka lang.
  18. Ayusin mo muna ang mundong iniikutan mo bago ka kumontrol ng mundo ng ibang tao.
  19. Laitin mo kung sino lang ang kakilala mo ng personal.
  20. Kung hindi mo kakilala at hindi mo na kaya, paminsan-minsan mo na lang ito gawin.
  21. Umiyak ka kung hindi mo na kaya, okay lang yan dahil unfair naman talaga ang buhay.
  22. 'Pag tapos ka ng umiyak isipin mo naman ang magagandang bagay sa buhay mo tapos ulitin mo yung no.9.
  23. Maikli lang ang buhay, mamuhay ka ng masaya at sa paraang gusto mo.
  24. 'Wag mo ng isipin to, basta wag ka lang aapak ng kahit na sino.
  25. Kanya-kanyang diskarte yan. Depende kung kanino mo gustong ialay ang buhay mo, sa minamahal mo, o nagmamahal sa'yo!
Leggi tutto >>

Tuesday, August 2

Congrats

Binabati kita!

Wala ka na ngayun sa puso ko.

Hindi ka na parte ng pagkatao ko!

Ang nakaraan ay pawang mga ordinaryong araw na lang na lumipas.

Binabati kita!

Malaya ka na!

Hindi ko alam kung may pakialam ka pa ba? Hindi rin ako sigurado kung sumagi man kahit konti sa isipan mo ang walang kwenta nating nakalipas. Pero wala na akong pakialam dun. Masaya ka na, at sana patuloy ka pa ring sumaya! Mabuhay ka sa paraang gusto mo. Hayan ka na! Heto na ako! Alam ko medyo lugi ako,  pero hayaan ko na lang, ginusto ko naman e. Pero ngayun heto na talaga ako..

Batiin mo naman ako!

Malaya na ako!
Leggi tutto >>

Tuesday, July 26

Thumbs Up

Bilib ako sa mga bloggers na parang ang sisipag mag-type at mag-isip ng napakahahabang blog na may sense. Minsan kasi ang sarap basahin. Kahit dun sa mga may kaya lang, bilib na din ako e. Kaya nga bilib ako sa sarili ko dahil kaya kong mag-type at mag-isip ng ganun kahahabang blog. Nga lang kadalasan walang Sense! Patay tayo dyan!
Leggi tutto >>

Sunday, July 24

The Past

"Ang saya nya 'pag magkasama sila, kaya okay na ako! Okay na ako!"

Sa panaginip ko kagabi, magkasama sila at ang saya saya nila. Ang sakit! Ang bigat sa dibdib. Gusto kong umiyak pero walang luhang lumalabas. Pero walang mas sasakit pa nang makita ko syang masaya sa piling ng iba. Gusto kong isigaw na ako na lang, ako na lang ulit, kaso hindi pwede, hindi uubra. Kaya niloko ko na lang ang sarili ko na, dahil masaya sya, okay na ako! Pwede na akong lumayo kahit sugatan at luhaan.

Hindi mo talaga makikita ang halaga ng isang tao hangga't hindi sya nawawala sa piling mo. Ngayung wala na sya, saka mo maaalala ang saya at sarap tuwing kapiling mo sya. Kung pwede lang ibalik ang nakaraan. Kung pwede lang tayo na lang ulit. Kung pwede lang....
Leggi tutto >>

Saturday, July 16

Ang Bahay ko

Huwag mong sukatin kung gaano katagal o kabilis ang paglipas ng panahon. Bakit hindi mo bilangin kung gaano kadami ang masasaya at magagandang ala-ala ang nangyari sa 'yo at sa mga taong mahal mo habang lumilipas ang bawat segundo ng panahon mo.

Eto na naman ako sa pagbibilang ng edad ko. Disinwebe na ako. Sa isang taon, bente na! Ang bilis nga talaga ng panahon. Hindi na ako teen-ager. Pero considered na nga ba talaga akong matanda? Pati nga crush ko ina-ate na ako e. Ilang araw, linggo, buwan, taon na lang magbabago na ang lahat sa buhay ko. Ibang-iba na di tulad nang nakasanayan kong gawin sa araw-araw.

Pero masaya akong sabihing madami akong natutunan ngayong nag-kolehiyo na ako. Hindi lang sa loob ng classroom, hindi lang din sa mga libro, kundi sa loob ng bahay na hindi naman sa akin. Ito yung bahay na tinutuluyan ko habang nag-aaral ako ng nursing sa Balanga. Hindi sya sa akin pero madami syang tinuro sa akin na marahil dadalhin ko na hanggang tumanda ako.

Mga gawaing bahay na dun ko lang naranasang gawin (Pramis!). Natutunan kong mag-laba, mamalantsa, mag-luto, at higit sa lahat mamuhay ng mag-isa. Pati nga pag-gawa ng yelo, dun ko lang na-realize na hindi ko pa pala nagagawa kahit kelan. Yung mga bagay na akala kong madali lang gawin, e mahirap pala. Balang araw, kung kumikita na ako, siguro kakayanin ko na talagang mamuhay nang hindi dumidepende sa mga magulang ko.

At pinaka-gusto ko sa lahat ng natutunan ko, e yung pakikisama. Hindi ko mapipili ang makakasama ko sa loob ng bahay kaya anuman ang ugali, kultura at pamamaraan nila, kelangan kong pakisamahan at intindihin. Natutunan ko ding ilugar ang sarili ko sa dapat kong kalagyan. Basta yun na yun. At ang pagka-kaibigan namin, natutunan kong hindi naman pala talaga kailangan ng matagal na pagsasama para makabuo ng connection sa isa't isa. Posible palang maging kaibigan mo ang isang tao ng isang iglap lang.. gamit ang matamis na ngiti at pakikisama, para na rin kayong magkakilala ng napakatagal na panahon. Dahil dito, hindi na lang sya basta batong bahay, tinuturing na namin syang tahanan.

Ang dami ng ala-ala ng bahay na iyon sa akin. ang hindi ko na lang ata nararanasan e ang umibig sa tahanang iyon. Chos lang! (I'm looking forward to that!)

Balang araw iiwan ko din ang lugar na iyon, pero hindi ang mga ala-alang ibinigay at naranasan ko habang nakatira sa lugar na itinuturing naming tahanan. Sa muling pagbalik ko balang araw, at pinalad na swertihin sa buhay, isa sa mga pasasalamatan ko e ang tahanang minsang nagpasilong sa akin at nagturo ng madaming leksyon. Salamat sa'yo!



Sana sa pagka-graduate ko, e maranasan ko pa ding mag-inom dun. :)
Leggi tutto >>

Wednesday, June 1

Po-po-po-pokeer Face, po-poker Face..

Haha. Napaglaruan ko lang. Sana hindi makita 'to ni jube.
Haha. Anyway, kiung makita man nya 'to, astig nga e! Haha.



So, eto naman ang version ko ng Poker face. Haha. 
Dito na lang sya, masyado ng madaming gif's sa Tumblr,
makikisabay pa ba ako? Haha.


Leggi tutto >>

Tuesday, May 17

High Expectations. Get Rid of that!

You desire a love that will last forever. You are quite serious about finding this type of love, and that's why you think carefully about the men that you meet before deciding whether you could really love them. You don't just develop a crush on someone overnight: you look at a person's personality and other aspects of their life before deciding to form an attachment. If a guy doesn't meet your expectations, you would rather be alone. Your love has to be perfect. Be careful though, you could be missing out on some worthy relationships because your standards are so high.
Leggi tutto >>

Alam mo yung awkward??

Your view on yourself:
Other people find you very interesting, but you are really hiding your true self. Your friends love you because you are a good listener. They'll probably still love you if you learn to be yourself with them.


The type of girlfriend/boyfriend you are looking for:
You are not looking merely for a girl/boyfriend - you are looking for your life partner. Perhaps you should be more open-minded about who you spend time with. The person you are looking for might hide their charm under their exterior.


Your readiness to commit to a relationship:
You are ready to commit as soon as you meet the right person. And you believe you will pretty much know as soon as you might that person.


The seriousness of your love:
Your have very sensible tactics when approaching the opposite sex. In many ways people find your straightforwardness attractive, so you will find yourself with plenty of dates.


Your views on education
Education is less important than the real world out there, away from the classroom. Deep inside you want to start working, earning money and living on your own.


The right job for you:
You're a practical person and will choose a secure job with a steady income. Knowing what you like to do is important. Find a regular job doing just that and you'll be set for life.


How do you view success:
You are confident that you will be successful in your chosen career and nothing will stop you from trying.


What are you most afraid of:
You are concerned about your image and the way others see you. This means that you try very hard to be accepted by other people. It's time for you to believe in who you are, not what you wear.


Who is your true self:
You are full of energy and confidence. You are unpredictable, with moods changing as quickly as an ocean. You might occasionally be calm and still, but never for long.
Leggi tutto >>

Lumuluma na ang aking Gitara

Kung may isang 'bagay' siguro akong pinaka-pinahahalagahan sa buhay, e gitara ko yun. Ayokong magas-gasan yun. Ayoko ngang ipahiram dati yun kahit kanino e. Kaya nung minsang pinahiram ko yun sa pinsan ko para sa panga-ngarolling, tapos inabutan sila ng ulan, todo alala ako nun. Tinext ko pa ang pinsan kong hindi ko naman tinetext dati para tanungin ang lagay ng gitara ko. Nung nakarating sa akin ang gitara ko ng buhay, at may konting patak ng ulan, pinunasan ko na lang. Wala naman akng magagawa e.

Nitong mga nakaraang buwan, napansin ko, hindi ko na pala sya nagagamit. Bale busy kase sa pag-aaral. Nasa isang tabi lang sya at naka-case. Nakikita ko sya, pero hindi ko ginagalaw. Feeling ko lage akong wala sa mood. Ngayung bakasyon ko na lang sya ulit nagagalaw.

Kanina, nunng nilapag ko ang gitara ko pagkatapos kong gamitin, nakakita ako ng gasgas sa gilid. Tinitigan ko pa ulit sya, hanggang sa nakakita pa ako, at nakakita pa ulit. Well! Sabi ko sa sarili ko, mumurahin lang naman ang gitara ko, so anung big deal dun? Parang sa tao, normal aging process, ang lahat ay tumatanda at nagbabago ang itsura. 

Nakakatawa lang, yung dating halos pinakamahalaga at pinakamamahal kong bagay, ni ayaw kong ilapag sa sahig at sa mga kanto ng upuan kung walang case, ay parang isang ordinaryong bagay na lang kung ituring ko. Parang isang appliance na lang dito sa loob ng bahay, naaalikabukan, pumapangit at lumuluma. Malayong-malayo sa pagpapahalaga ko sa kanya nung una ko syang makasama. 

Ang awkward nga naman ng buhay. Ngayon maganda, bukas losyang na. Sikat ka noon, ngayon laos na. Pinagtatawanan lang dati, ngayon boss ka na nung mga tumatawa. Nilalait ka dati, ngayon super model ka na, at sa abroad pa. Dati ikaw ang nanglalait, ngayon ikaw na ang nilalait. Katulong lang noon, ngayon nakatira na sa mansyon. Pinagsisilbihan ka lang noon, ngayon ikaw na ang katulong. Lokohan lang dati, ngayon seryoso na. Ngayon mahal ka nya, bukas may kasama na syang iba. Dati pinahahalagahan mo sya higit pa sa buhay mo, ngayon hindi na kayo magkakilala.

Wala talagang permanente sa mundo, lahat nagbabago. Kahit ang love na nararamdaman nyo sa isa't-isa, sooner mawawala din yan. At kung humantong kayo sa altar, at magsama ng matagal. Unti-unting  ang pagmamahal ay maglalaho kasabay ng inyong pagtanda. Magsisimula ulit kayo sa umpisa, kung saan kayo unang naging magkaibigan. At yun ang magiging dahilan para manatili kayong mukang nagmamahalan.
Leggi tutto >>

Tuesday, May 10

My own F**king Version :)


Sulat by Moonstar '88
Leggi tutto >>

Quit muna sa Tumblr.

Napansin kong ang tagal ko na palang hindi nagba-blog dito, so ngayun napagdesisyunan kong dito muna ako mag-blog. Mahirap pa lang pagsabaying i-operate ang dalawang blog site. Kasi kahit pareho silang blog site e unique ang features ng bawat isa. Hindi naman all the time na ico-copy mo ang post mo sa isa at ipa-paste mo dun sa isa. Sana hindi mo na lang ginawa yung isa, di ba? 

What I love about blogger.com, e yung free kang i-express yung sarili mo sa kung sino mang makakabasa ng mga posts mo, walang pressure na baka hindi magustuhan ng mga followers mo at i-unfollow ka. Gusto ko din dito yung mga blog post mo e, hindi "reblogable". I don't know if my term talagang ganyan, pero alam kong alam nyo naman ang ibig kong iparating jan di ba? 

Some tumblr users kasi e hindi ina-acknowledge o binibigyang halaga yung mga dakila nating reblogger. They say, they aren't real bloggers. One time, may nabasa din ako, one tumblr user 'daw' ang nag-reblog nung personal post nya, and it made him/her really mad. Pa-ulit ulit sa mga next post nya na, tinutuligsa nya yung nag-reblog ng 'PERSONAL' post nya. 

Ang gusto ko lang sabihin, e kung meron kayong something about these rebloggers, edi sana dun na lang kayo sumali sa mga blog sites na hindi nare-reblog ang mga post, specifically, your 'PERSONAL POST'. Feeling ko lang ha, correct me if I'm wrong, isa sa essence ng Tumblr, kaya to ginawa ay to re-blog, kaya nga may 'reblog' button sa lahat ng posts e. Saka hindi naman ire-reblog ng isang tao ang post dahil trip nya lang. There's a reason behind everything, you may not know, kaya nya ni-reblog yun e dahil nakakarelate sya sa experience mo. Malay mo you already gave him/her inspiration. And the best thing? Malay mo, may nasalba ka na pa lang buhay, knowing na hindi naman pala sya nag-iisa sa pinagdaraanan nya.

Para naman dun sa mga 'Reblogers' like me. Alam ko, there's something on your re-blogs that you can relate your life with. You want to blog, but you just don't know how to start. Pressure is on the top of your head every time you see hundred of notes of a tumblr user sayin' "Goodmorning", yet you have given your whole feelings and emotions and got, 2 notes and worst nothing. You want to be the best blogger, but that just ain't you. But know what? It isn't your fault. It's just that this time isn't the right time. The fact that you have passion plus perseverance, I know you can. You can be the best blogger the world can offer. I ain't Tumblr famous or what so ever. I am not a professional blogger. I am not successful like any other. But I know what I want, and I know what thoughts I have. And I want to share it with you. 

*whoooosh! Napa-english tuloy ako. Hindi ako sanay a! Haha :)

But I'm not saying I'm gonna quit tumblr. It is still an exciting site for me. LOVE you guys :)


Leggi tutto >>

Tuesday, April 19

11 Things I Hate about Facebook

  1. I hate people who like every page. 
  2. I hate people who "love" their boyfriend after 2 days, and feel the need to update everyone about it. 
  3. I hate people who like/comment on everything. 
  4. I hate people who use picnik to do bad editingjobs. 
  5. I hate people who think it's cool to tell the whole world that they're drinking. 
  6. I hate people who subtly write about others. 
  7. I hate that everyone has a formspring, then wonders why they get hate. 
  8. I hate people who post their numbers in every status. 
  9. I hate people who update every second, this isn't twitter. 
  10. I hate people who won't stop talking to you on chat, that's the reason why I'm always offline.
  11. Basically, I hate facebook!
Leggi tutto >>

Monday, April 11

The Essence of Eating Crabs

Ano kayang pakiramdam 'pag isang araw nagising ka na lang, bilyonaryo ka na? Isang bilyonaryong galing sa kawalan. Yung wala naman talagang ibang inaasahan, tapos bigla na lang yayaman. Ang sarap imaginin! Ang pangarap ng lahat ng tamad, ang yumaman habang papetiks petiks lang.

Ilang beses ko ng naranasang mangarap ng ganyan kaso alam mo yung feeling na ang saya na e, tapos habang nananaginip ka pa ng marangyang buhay, dadaan ng hindi inaasahan sa isipan mo, "Imposible!". Pambihira, sariling isipan mo pa ang panira!

Paano nga kaya kung ang tadhana ko ay katulad ng kay Mark Z*****, ang founder ng facebok? Ang pinakabatang bilyonaryo. Actually, hindi naman talaga sya ang pinakabata, pangalawa lang sya, ang una ay yung dormate nya na katulong nya sa pag-develop ng facebook. Eight days lang naman ang tanda nya dun, saka 5x syang mayaman sa kanya so apparently, sya pa rin ang pinakamayaman, hindi nga lang sya ang youngest.

Isipin mo ha, nakaupo lang sya buong mag-hapon sa harap ng computer nya, wuaaalahhhh! May gate pass na sya sa mundo ng buhay bilyonaryo. 

Ang bawat araw ng buhay para sa akin ay parang pagkain ng alimango, kailangan mo ng tyaga at pasensya para maasam mo ang sarap. Pinagtutuunan ito ng oras at panahon. Mahirap madaliin, huwag din naman masyadong matagal dahil kukulubot ang kamay mo. At dapat may 'passion' ka sa paghihimay mo dahil dun mo lang makikita at malalaman ang kahulugan ng pagiging kontento.

Kadalasan maiisip mo, walang kwenta ang ginagawa mo dahil makikita mo, mas madami ka pang naitatapon kesa sa kinakain, kaya ang gagawin mo ay kukuha ka pa ng isa pang alimango para mapunan ang pangangailangan ng tyan mo. Ang that's the point! Hindi ka titigil hanggang sa makuha mo ang gusto mo, hanggang sa magtagumpay ka.

And that's the essence of eating crabs...

In short, walang magic! Walang genie in the bottle, Fairy Godmother, diwata, dwende, sirena, tikbalang, puso ng saging o bato ni Darna na tutulong sa kahit sino para magtagumpay at yumaman. Wala ding biglang susulpot na gabundok na kayamanan sa harap mo (depende na lang kung i-guide ka ni Yamashita sa treasure nya- creepy!). Ang lahat ay nanggagaling sa simpleng pangarap, simpleng tyaga at inspirasyon. Kahit naman si Mark Z**** ay pinaghirapan din ang pagbubuo ng facebook. Sarili mo lang ang tutulong sa'yo. Sarili mong pag-iisip at desisyon ang huhusga kung anong gusto mo sa kinabukasan mo.

So, pagkakain kayo ng alimango, isipin nyo lang na sa bawat sipsip at hagod nyo nito, "Magtatagumpay ako! Yayaman ako! Tandaan mo yun alimango!" Pero kung gusto nyo lang naman. Kung sa tingin nyo ay baduy at corny ang sinabi ko, nevermind! Kunwari wala na lang akong sinabi!


Godluck everyone! (including me..)
Leggi tutto >>

Saturday, April 9

Ang Gusto ko?

Ang gusto ko lang naman ay yung taong magpapahiram sa akin ng twalya pagkatapos maligo ng dagat at habang ang lamig sa katawan ko ay sagad hanggang buto.

Ang gusto ko lang ay yung babanggitin sa harap ko ang isa sa pinakamahirap na salita, ang "HI!".

Ang gusto ko lang naman ay McDo fries! :)
Leggi tutto >>

Panahon na naman ng Graduation

Parte ng Graduation Speech ng isang Lasalista. Eto ang sinasabi kong ASTIG!
This is a rebellion. I raise my middle finger to every professor, over-achiever, naysayer and detractor THAT TOLD ME THAT I CAN'T MAKE IT. I raise my middle finger to every valedictory or graduation speech that only gratifies the university, those who were achievers in school or those who gratify the country when it’s supposed to be the graduate’s moment of glory. You are supposed to acknowledge EVERYONE. Even those who failed many times.
Leggi tutto >>

Saturday, April 2

TIPSY *_*

Nakakainis yung ang tino-tino ng isip at kilos mo 
tapos 'pag nakainom na, 
unti-unti nang nawawala 
ang lahat...
Leggi tutto >>

Sunday, March 27

LOVE Story namin ni Mario Maurer :)

Goodbye 3rd year na nga ba? o Helo 3rd year ulet?? Haha. LOL. Wag naman sana.. Finals week na, After nito ('pag pumasa) e clearance na. Tapos bakasyon na. I'm so excited na! Wala kaming summer class ngayon kaya pahirapan na naman sa paghiga at pagco-computer. Haha. Ano kayang magandang gawin ngayong summer?? Hmmmpp... Naggawa ako ng listahan na gusto kong i-accomplish ngayong summer. Hehe.

1. Magkulay ng buhok. Well! yang idea na yan ay from my idol, Yeng Constantino. Gusto ko ganung high lights din sa buhok ko. Assorted ang kulay, tapos sa may bangs lang. O di ba? ang Lupet! haha... Gusto ko walking rainbow ako ngayong Summer. Inam!

2. Magpa-hikaw sa Dila. Pangarap ko talaga yan ngayon. Gustong- gusto ko na nyan kaso wala pa akong natatagpuang nagbubutas ng dila. 'Di naman ata pwede yan sa Ricar, aba'y makahiya namang dumila sa loob ng mall anu? haha.. Saka nakakatakot ding magpabutas sa kung saan lang. Baka mahawa pa ako ng mga sakit. Mahirap na!

3. Mag-apply sa isang Summer Job. Bukod sa sweldo e syempre gusto ko din na maging makabuluhan ang bawat araw ko ngayong Summer. Hehe. Tapos 'pag mag-iinom, edi hindi na ako hihingi ng pang-ambag kay mama. May sarili na akong pera. Ahihi!

4. Mag-papayat. May isa akong classmate na sinabihan nun ng, "Antayin mo, sa summer papayat din ako!", matapos nyang sabihing ang taba ko. Tapos ang sagot nya sakin, "Mas tataba ka pa sa summer! Haha..". Wala lang, nakaka-challenge lang. :) Kaya gusto ko ng summer job para makatulong ding pumayat ako e. HIHI.

5. Magpa-Brace ng ngipin. Ito na siguro ang pinakaimposibleng mangyari sa lahat ng wishlist ko. Haha. Kahit ata 24 hours akong mag-trabaho sa summer e hindi ako kikita ng sapat na pera para makapagpa-brace. Kaya, hayaan mo na lang sya. haha.



Pagkatapos ng summer anu na? 

4th year na ako! Isang taon na lang, ga-graduate na kami! Awooo. Nakaka-excite. Ano kaya ang itsura ko sa grad picture ko? Haha. Kailangan kong paghandaan yun. MAGPAPA-PAYAT talaga ako! :) Teka, kailangan muna pala akong makapasa.. Kaya ko yan. Aja! haha.


Pagkatapos ng graduation paano na?

Magdidiwang muna ako. Kase hindi pa talaga katapusan ng mundo. Party all the way! Woooo.. 
Tapos. . . . 
. . . . . . . .
. . . . . . . .
. . . . . . . .
. . . . . . . . 
. . . . . . . wala na pala akong baon! Hindi na ako estudyante! Aww!! Nakakalungkot.. Kailangan ko ng mag-trabaho. Pero syempre i-papasa ko muna ang board exam! 

Magiging topnotcher! 
Sisikat sa Bagac! 
Ipagma-malaki ng lahat ng naging teacher ko mula kinder! 
Dadami ang friends! 
Pagkaka-guluhan ng lahat ng Hospital! 
Kikita ng malaki! 
Yayaman! 
Magkakaroon ng madaming madaming pera! 
Sisikat sa t.v.! 
Magiging artista! 
Liligawan ni Mario Maurer! 
Papakasalan ni Mario! 
Mamumuhay ng masagana! 


And they Live Happily ever after..    


*The End*
Leggi tutto >>

Saturday, March 26

Sakto

Isang bagay na natutunan ko sa palagian kong pagkain sa McDonald's fast food Chain... 

"Kung alam mong tama ka, ipaglaban mo! Tama ka e.".. 

Yan ang sinasabi ko sa isip ko sa tuwing nagpapatamaran ang mga kasama ko na um-order sa counter, na dapat e sila naman talaga. Sabihin na nating nagbibilang ako ng mga magagandang gawain na ginawa ko sa kapwa ko, pero syempre dapat yung sakto lang. Hindi yung lagian na lang kami ang umo-order para sa aming lahat. Syempre sa susunod kami naman ang oorder, ganun lang ang buhay, Give and Take. Hindi puro take ng take, hindi rin puro Give ng Give. 

Sakto lang dapat ang buhay. Masama ang sobra, masama din ang kulang. Sakto ang pagmamahal, saktong pag-aaruga, saktong ngiti, saktong simula, at saktong pagtatapos.


Ang babaw no? ^.^
Leggi tutto >>

Tuesday, March 22

Facebook, Wer na U?

Buhay ko na ang Facebook. Kasama na sya sa pang araw- araw kong routine. Ang araw ko ay hindi kumpleto kung walang bagong status, bagong friend request, mga notifications, at sandamukal na comments. Hindi na siguro ako mabubuhay kung walang facebook. 

JOKE! :)

Naiirita lang ako sa facebook ngayon. Hindi ko magamit, hindi ko mapakinabangan. Nakaka-badtrip! Nagsisimula pa lang ako na i-revive ang na-stock kong facebook e, tapos ganun. Feeling ko, kailangan ko ng public apology galing sa mga administrator ng social networking site na yan! Kairita!

Nagsimula ang lahat the night before yesterday...........

Kinatamaran ko ng mag-laro sa facebook. Ayoko ng mag-luto sa Baking Life, ayoko ng magpakain ng mga alaga ko sa Pet Society, at mas lalong ayoko ng magtanim sa Farmville. Laos na lahat yun! Ang uso ngayon ay ang unintentional stalking. Bilang dakilang chismosa, ang facebook ay ginagamit ko na lang para masundan ang bawat buhay ng mga taong kilala ko ng personal, kilala ko sa pangalan lang at kahit nga hindi ko mga kakilala e nasusundan ko ang buhay dahil sa FB. Kahit minsan nakakairita na makita ang takbo ng love story ng mga taong 'to, e somewhat nakaka-enjoy din. Masaya ding makabasa ng mga nagpaparinig sa mga staus na naghahamon ng away, agawan ng boyfriend at minsan mga nag-aaway na talaga. Nasusundan ko din dito mga bagong hairstyle ng mga friends ko. Dito din nahasa ang pagiging photogenic naming lahat (haha). Minsan may mga nakakaintriga din, tulad ng mga scandal sa pictures at videos na pino-post ng mga kaaway nila. Bongga!

Tapos isang araw biglang pag log-in ko e ibang format na ang nakita ko. Lahat ng letra ay nasa Left side. Walang home, chat, profile, ang lahat ay parang tanga lang! Makairita!

Nag-hintay ako sa pagbabalik ng normal nitong itsura......

Umaga. Logging-in... Ta*****!! Ganun pa din. Li****!! Maya-maya aalis ako kasi may gagawin kami ng mga classmate ko, isang mahiwagang case study. Sana pagbalik ko ok na ang lahat!

Galing kaming dagat. Hinid ako nakaligo, kasi meron ako, sayang ih! Bute na lang naka-sight ako!! Ayiii!! Kileg... 

Natuwa ang puso ko, kasi ok na facebook ni mama. Okay! My turn. Logging-in....

LI****!!! P***!! HA***!!

Ano to? My favoritism? Discrimination... Nung ako na ang humawak ala na uling facebook? Ihh...

At ngayon, pag-uwi ko galing sa napaka-init na Seminar, ti-nry ko sa iba't-ibang browser. Opera, Safari at Maxthon 3, aba't pare-parehong wala.

Susuko na lang siguro ako. Hai naku po.. Ang buhay ko ay wala ng kwenta!


JOKE :)

Leggi tutto >>

Monday, March 14

End of the World

Kung magugunaw na kaya ang mundo gaya ng sinasabi ng ilan, at gaya ng sinasabi 'daw' ng bibliya..... may makakaretrieve pa kaya ng mga blogs ko? May makakabasa pa kaya ng mga sinulat ko tungkol sa buhay ko? May makakaalam pa kaya kung paano ang buhay ngayon? Na may isang taong nagsusulat ng mga blogs na tila ba walang kwenta sa paningin ng iba? May makakatuklas pa kaya na may isang tulad ko na nabuhay sa gantong panahon?

Ang dami na ngang nagaganap ngayon dito sa mundo. Ayoko man aminin, ayoko man sabihin, at ayoko man isipin, parang nagkakatotoo na nga ata ang mga propesiya (from the movie 2012). Na gusto pang patotohanan ng mga nagsasabing sila ang sugo ng Panginoon, ang inilalahad daw sa bibliya ay nagaganap na nga ang mga senyales sa darating na paghuhukom. 

Ni sa hinagap ko ay hindi ko naisip na magugunaw ang mundo bago pa ako makagraduate. Sa dinami dami ko ba namang pangarap, lahat pala yun ay hindi ko maaabot dahil sa katapusan na ng lahat. 



Ang lindol sa New Zealand.

Ang giyera sa Libya. 

At nito nga lang ay naganap ang tsunami sa Japan 
na may kasamang lindol at mga sunog. 
Hindi pa natatapos dun. 
Meron pa ngang sumabog na Nuclear Power Plant 
na delikado sa kalusugan 
ng hindi lang ng mga tiga Japan 
kundi pati ng buong mundo.


Nakakatakot ang mga balita. Walang nakakaalam ng mga mangyayari. Hindi natin alam kung nagsisimula na nga ba.. Kaya ngayon, gusto ko ng makipag-ayos sa mga nakaalitan ko, yakaping mahigpit ang mga mahal ko sa buhay, ngumiti araw-araw, sabihan ng 'mahal kita' ang pamilya ko bawat oras, gumawa ng mabuti sa lahat ng tao, at magdasal sa Panginoon na sana hindi nga totoo ang lahat ng sinasabi sa balita. Sa madaling salita, gusto ko ng magbago. Palitan lahat ng masasamang ugaling nakagisnan ko.

Pero gusto ko sanang isama sa Listahan ko ang mag-aral mabuti, pero kasi naisip ko, kung sakaling totoo nga ang lahat, edi sayang naman ang effort at oras ko? Sa halip na gumagawa ako ng maganda sa kapwa ko e nagpapaka-subsob ako sa pag-aaral. But on the other hand, kung mag-aaral akong mabuti, ginagawan ko ng din ng maganda ang aking mga magulang. At least maiisip nila na hindi sayang lahat ng pera at sakripisyo nila para pag-aralin ako. So para din palang 'two birds hit by a one stone'. Nag-aaral na akong mabuti na makakatulong sa akin sa aking hinaharap kung sakaling hindi totoo ang pagkagunaw ng mundo, at gumagawa na din ako ng mabuti sa aking mga magulang at pamilya. Hindi na rin masama....



Let's pray for our SAFETY!!!!


Leggi tutto >>

Saturday, February 26

Crazy Little Thing called LOVE

Noong isang linggo ko pa nakita tong pelikula na to. Napanuod ko yung trailer nya, at na-catch kagad nito ang puso ko. Simpple at hindi na bago ang tema nito pero iba pa rin talaga ang dating para sa akin. Kwento ng babaeng nagmamahal ng isang tao, isang studyante din tulad nya, pero malayong agwat nila sa isa't isa kung pagbabasehan ang itsura. Pinilit nyang baguhin ag kanyang sarili, mula sa kanyang itsura, hanggang sa kanyang pag-aaral.

Mula pa noong una ay mahal na nila ang isa't isa pero sadyang hindi magtagpo ang kanilang panahon, hindi sumasang-ayon ang pagkakataon. Pero gaya nga ng sabi ng lahat, "Kung kayo, kayo talaga". Kahit lumipas man ang ilang taon at mag-iba man ang panahon, ang tunay na pag-ibig ay hindi maglalaho, at magbabago.

Ang magandang punto ng storyang ito, ay hindi naging dahilan ang pagiging magka-iba nila ng itsura para isadlak nya ang kanyang sarili, sa halip ginamit nya ang katotohanang ito sa magandang paraan. Nagpaganda sya at hindi natakot gawin ang mga bagay-bagay, nag-aral ng mabuti hanggang sa nakapag-aral nga sa America. Ginamit nya ang pagmamahal sa tamang paraan kahit na ilang beses na sya nasaktan ng kalupitan ng pagkakataon.


Nakakainlove talaga 'tong music video na ito.
Ito ang Dahilan sa pagka-hook ko sa movie na ito.


Complete Episode of the Movie:




Can't Help but to LOVE again.. :)


Leggi tutto >>