Pages

Sunday, December 12

Joyce

Dami ko ng nasabi di ko pa pala nakukwento ang ibang mga bagay tungkol sa pamangkin ko. Anak ng kuya ko. Ang totoong pangalan nya ay Layrie Joyce Manalo. Pero ang tawag namin sa kanya ay 'Joy-Joy', siguro ngayong bata lang sya. Hindi sya masyadong kagandahan, (sama ko ba?) pero ang cute nya as in. Nakikita ko sa kanya si Cha-cha, yung batang artista na sumikat sa patalastas na may tagline na, 'Bulilit, bulilit, sanay sa maliit'. Kasi kamuka nya talaga, tas minsan pag kikilos si joyce, parang si cha-cha talaga. 

Mahal na mahal ni mama ko yun, syempre si Joyce din sa kanya. Selos? ako? Minsan naiisip ko na rin yun pero parang ang weird naman, sa tanda ko ba naman na to. :) Feeling ko kahit iwan kay mama si joy-joy, mabubuhay tong bata to. Kahit anu ba naman hilingin e binibigay agad ni mama. Lalo na sa pagkain. Nagvi-vitamins kasi tong bata tong kaya matakaw. Si mama naman kunsintidorang Lola. 

Minsan napapatawa ako ng bonggang bongga ng batang yan. Kahit na sa mga wala naman talagang kwentang ginagawa nya sakin. Ganun na ata kababaw ang kaligayahan ko lalo pa't hindi ko naman talaga trip ang mga bata. May mga kilos sya na nagpapagaan ng araw ko kahit na sa pinakastressful na araw. Tapos tatawa sya na nagpapatawa din sa akin, bandang huli tatawa lang kaming dalawa kahit di ko na matandaan kung bakit nga ba kami tumatawa.

Pero syempre hindi araw araw ay masaya. Madalas inis din ako sa batang yan. Sobrang kulit na kala mo ay lalaking 3 years old, samantalang 2 y/o pa lang yun.  Walang sawa sa takbo, tapos panggigigilan ka kahit wala ka namang ginagawa sa kanya. Ang nakakatuwa dun sa halip na ikaw ang manggigil sa kanya e, sya ag manggigigil sayo. Andyan yung kukurutin ka, susuntukin, sasabunutan at kung anu-anu pa. Hahampasin ka ng kamay nya, at kung malas-malas pa at may hawak sya ihahampas nya din sayo yun. Uunahan pa ako sa computer, akala mo marunong sya pero kung anu-anu lang ang pinipindot, waring nagsisira lang.

Ganyan ang pamangkin ko. Napakakulit. Buhat na din ng kabataan at pagiging natural na ugali ng isang bata. Daig ang kilos ng lalaki. Pero malambing. bigla kang yayakapin at iki-kiss. Mahal ko yan kahit matigas pa sa semento ang ulo nyan. Dahil dyan natuto akong magpasensya sa mga bata at mag care. Astig! Kahit papano masasabi ko ding "BUTI NA LANG DUMATING SYA, ISANG PASKO AT BAGONG TAON NA NAMAN ANG MASAYA NAMING PAGSASALUHAN NG AKING PAMILYA"..

Tunay namang ng dumating sya, nagkakulay muli ang boring naming mundo.. :)


0 comments: