Pages

Wednesday, December 29

Totoong EMO

Ilang araw ang lilipas pagkatapos ay tapos na ang lahat.
Mawawala na ang mga ngiti sa labi ng mga tao.
Ang mga mata ay unti-unting luluha,
Ang katawan ay unti-unting manghihina.

Ang saya dulot ng mga kumukutitap na ilaw sa bawat bahay ay malilimutan na.
Hindi na din mahalaga gaano man kakulay ang mga palamuti na iyong isinabit,
Dinikit, at ipinatong sa bawat sulok ng tahanan.

Hindi na din maaalala lahat ng nagpasaya sa pag-gising,
At lahat ng nagbigay inspirasyon.

Hindi masusukat ng saya ang lahat ng bagay.
Hindi rin lahat ng masasayang sandali ay yaong nagbibigay ng aral.
Kadalasan, maganda na ring makaramdam ka ng konting lungkot at hirap sa iyong dibdib.
Nang matutunan lahat ng maling nagawa,
Itama lahat ng sadali,
At maiwasto ang mga pagkakamali.

Ang mga bagay na nagbibigay ng saya sa ating puso ay hindi mahalagang maalala.
Dahil nakatatak na sila sa ating mga puso habambuhay.
Samantalang ang mga masasakit na sandali, nasa utak lang natin sila.
Doon nananatili para s araw-araw ay magbigay paalala sa bawat kilos na ating ginagawa.
Leggi tutto >>

Monday, December 20

Ang Pusa

Matagal ng panahon ang nakalipas. Bata pa ako nun. May pusa ako. Puti at manilawnilaw ang kulay ng balahibo nya. Yun ang pagkakatanda ko. Tanda ko pa hilig na hilig ko nun ang pusa. Gustong gusto kong nakikipaglaro sa kanila kahit parang hindi naman nila ako gustong makasama. Ilang kalmot na din ang nakuha ko galing sa kanila, pagkatapos ay iiyak ako ng bonggang bongga. Pero ilang araw lang babalik ulit ako sa hilig ko, ang makipaglaro sa kanila.

Iba marahil ako sa mga taong mahihilig sa pusa. Dahil ako, ang gusto ko lang ay makasama sila sa lahat ng ligaya. Hindi ko sila pinapakain pag nagugutom na sila. Ang sama ko pala.

Isang araw, bigla na lang syang nawala. Hinanap ko sya sa lahat ng liblib na bahagi ng aming bahay pero walang bakas nya. Sinubukan ko ding maghanap sa kanto at kanal pero wala kahit man lang mga labi nya. Hindi ako sumuko. Pero ayoko namang magtanong sa iba dahil baka sabihin nila timang na ako. Unti-unting lumubog ang araw. Unti unti akong napagod. Wala na akong ibang magawa kundi umiyak. Sinisi ko ang sarili ko kung bakit sya nawala. Kung inalagaan ko ba sya hindi sya aalis at ako'y iiwan? Kung tunay ko ba syang minahal at hindi sa saya lang ay hindi ba sya lalayo ng tuluyan?

Hiniling ko sa Dyos na kung ibabalik nya ang pusa ko ng buhay at matiwasay, ipapangako kong mamahalin ko sya ng buong buo. Lumipas ang mga araw, walang pusang bumalik. Unti unti kong nalimutan ang pangyayaring yun. Napagod di siguro akong maghintay. 

Nalimutan kong minsan may isa nga pala akong pusa. Minahal ko sya, pero hindi ko pinahalagahan. Mayron akong isang pusa noon, na alam kong minahal ako pero hindi ko pinahalagahan. Isang pusang napagod at lumisan.
Leggi tutto >>

Mental Block

Sa pagkaka-alam ko e ang dami ng pumasok sa isip ko na gusto kong i-blog. Pero ngayong andito na ako sa harap ng computer, hindi ko na sila maalalang lahat. Hai naku po. :(
Leggi tutto >>

Monday, December 13

99 Balloons




Eliot was born with an undeveloped lung, a heart with a hole in it and DNA that placed faulty information into each and every cell of his body. However, that could not stop the living God from proclaiming Himself through this boy who never uttered a word.


- This Video really made me cry.. :(
Leggi tutto >>

Joyce Part II

Kainang umaga umalis na ulit sila Joyce. Bumalik na sila sa totoo nilang bahay. Bago pa yun e naligo muna sya. Tamang tama pagbaba ko, kagigising, e kakaligo pa lang nya.. Napangiti nya uli ang bugnutin kong umaga sa mga katagang sinabi nya, "Tita, ligo ako.." May something talaga sa mga bata na nagpapagaan ng buhay ng mga tao. 

Tapos habang nag-aagahan ako e nakikain pa sya sa pinggan ko. Pero bago yun tinanong ko muna sya kung gusto nyang kumain kasi dumedede sya nun, ang sabi nya, "Gusto.. Baboy..". Bata pa lang nahihilig na sya sa baboy. Pero madami na syang naging mga paboritong pagkain, tulad ng mais na tinatawag nyang 'Doh', ewan ko ba kung san nya nakuha ang tawag na yun. Naging paborito na din nya ang kalabasa, fish, chicken, patatas, at iba pang gulay. 

Nagcocomputer ako at di ko napansing aalis na sila. Ay di pa pala, inalok pa pala nya ako ng Icedrop, pero di ko lam kung alok nga ba talaga yun dahil ang sabi nya, "Kay Doydoy lang to tita.. Kay Doydoy lang.." yung Icedrop ang tinutukoy nya dun at Doydoy ang bigkas nya sa pangalan nya na joyjoy. 

Nang paalis ns sila nagpaalam pa sakin si Joyjoy. Tuwang tuwa ako sa mga sinabi nya. Nakakalambot lang ng puso. Mga limang ulit siguro nya pinaulit ulit yun. At paulit ulit ko din syang sinasagot. Ang sabi nya, "Babye tita.. Salamat.. Salamat tita.. Babye.."




(Ui buhay pa pamangkin ko, hindi to pamamaalam.. Haha.. Napansin ko din medyo iba ang dating ng blog kong to, kaya nililinaw ko lang..  haha c: )
Leggi tutto >>

Sunday, December 12

trip ko


May mga bagay na wala naman talagang kwenta,
pero hahanap at hahanap ka pa rin ng oras,
para aksayahin magawa lang ito..
Leggi tutto >>

Joyce

Dami ko ng nasabi di ko pa pala nakukwento ang ibang mga bagay tungkol sa pamangkin ko. Anak ng kuya ko. Ang totoong pangalan nya ay Layrie Joyce Manalo. Pero ang tawag namin sa kanya ay 'Joy-Joy', siguro ngayong bata lang sya. Hindi sya masyadong kagandahan, (sama ko ba?) pero ang cute nya as in. Nakikita ko sa kanya si Cha-cha, yung batang artista na sumikat sa patalastas na may tagline na, 'Bulilit, bulilit, sanay sa maliit'. Kasi kamuka nya talaga, tas minsan pag kikilos si joyce, parang si cha-cha talaga. 

Mahal na mahal ni mama ko yun, syempre si Joyce din sa kanya. Selos? ako? Minsan naiisip ko na rin yun pero parang ang weird naman, sa tanda ko ba naman na to. :) Feeling ko kahit iwan kay mama si joy-joy, mabubuhay tong bata to. Kahit anu ba naman hilingin e binibigay agad ni mama. Lalo na sa pagkain. Nagvi-vitamins kasi tong bata tong kaya matakaw. Si mama naman kunsintidorang Lola. 

Minsan napapatawa ako ng bonggang bongga ng batang yan. Kahit na sa mga wala naman talagang kwentang ginagawa nya sakin. Ganun na ata kababaw ang kaligayahan ko lalo pa't hindi ko naman talaga trip ang mga bata. May mga kilos sya na nagpapagaan ng araw ko kahit na sa pinakastressful na araw. Tapos tatawa sya na nagpapatawa din sa akin, bandang huli tatawa lang kaming dalawa kahit di ko na matandaan kung bakit nga ba kami tumatawa.

Pero syempre hindi araw araw ay masaya. Madalas inis din ako sa batang yan. Sobrang kulit na kala mo ay lalaking 3 years old, samantalang 2 y/o pa lang yun.  Walang sawa sa takbo, tapos panggigigilan ka kahit wala ka namang ginagawa sa kanya. Ang nakakatuwa dun sa halip na ikaw ang manggigil sa kanya e, sya ag manggigigil sayo. Andyan yung kukurutin ka, susuntukin, sasabunutan at kung anu-anu pa. Hahampasin ka ng kamay nya, at kung malas-malas pa at may hawak sya ihahampas nya din sayo yun. Uunahan pa ako sa computer, akala mo marunong sya pero kung anu-anu lang ang pinipindot, waring nagsisira lang.

Ganyan ang pamangkin ko. Napakakulit. Buhat na din ng kabataan at pagiging natural na ugali ng isang bata. Daig ang kilos ng lalaki. Pero malambing. bigla kang yayakapin at iki-kiss. Mahal ko yan kahit matigas pa sa semento ang ulo nyan. Dahil dyan natuto akong magpasensya sa mga bata at mag care. Astig! Kahit papano masasabi ko ding "BUTI NA LANG DUMATING SYA, ISANG PASKO AT BAGONG TAON NA NAMAN ANG MASAYA NAMING PAGSASALUHAN NG AKING PAMILYA"..

Tunay namang ng dumating sya, nagkakulay muli ang boring naming mundo.. :)
Leggi tutto >>

Wednesday, December 1

. . .

Ang daming tumatakbo sa utak ko. 
Hindi ko mawari kung san sila nanggaling at kung bakit bigla-bigla na lang silang sumusulpot. 
Ang dmi kong gustong sabihin,
ang dami kong gustong isulat na galing sa aking damdamin, 
pero tama ba? 
Tama ba na magkaganito pa din ako matapos ng  mahabang panahon? 
Ang alam ko hindi.


Muka ata akong tanga, 
Medyo nga siguro..
Leggi tutto >>

Ouch =(

Nanginginig ang mga kamay ko!! 
Nagluluha ang mga mata ko sa tuwing naaalala ko ang mga eksenang yun! 
Parang isang sine, romantic ang tema, love story ba. 
Pero bakit isang tragedy, sad story, sad ending, and drama to the 10th power ang dating ng lahat sa akin!
Gustong tumulo ng luha ko at humagulgol sa isang tabi para ilabas lahat ng sakit.

Sana pwedeng i-delete all lahat ng masasakit kong alaala. 
I-refresh ang buhay. 
At mag-Go To sa mas masasayang sandali. 

Okay lang talaga kung talagang wala na! 
Pero ang makita ng dalawa kong mata ang katotohanan,
para akong kumain ng napakapait na ampalaya, 
at dahil sa napakadaming dahilan ay wala akong magawa!


Ang hirap tanggaping kahit kaylan ay hindi mo naranasan ang mga ganung eksena mula sa kanya..
Matagal na din, pero ang sakit pa rin pala!!!
Leggi tutto >>