Pages

Friday, November 26

Love ko 'to

Sus! Kung Burger lang ang linggo ko ngayon, 
Malamang hindi ito yung buy one take one na nabibili sa burger machine, 
Hindi rin ito yung burger sa mcdo na 1 week atang nakastock. 
Ito yung burger na nabibili namin sa aming canteen. 
Simple, Mura, pero Rock! 
Hayup sa sarap! 
Tubig na lang Swak na ang lahat!
Leggi tutto >>

Tuesday, November 16

The who?

Bagong area kami sa duty kanina. Surgical ward. Kay sir Janpol. Maayos naman ang simula ng lahat. Inorient ng napakatagal. As in napakatagal. At ang tagal din naming tumayo. Maigi kong kinikilatis si sir habang sya ay nagsasalita. Eto kasi yung crush na C.I. ng classmate ko e. May mga tanong kasi syempre sa utak ko tulad ng, 'Bakit ba ang daming mga estudyanteng halos mabaliw na sa taong yun?'.

Mula ulo hanggang paa nakatingin ako sa kanya.
Hindi naman sya ganun kapogian anu?
May malaki syang eyebags,
...kailangan nya ng Garnier eye roll nga ba yun?
Nakabrace sya.
...Hooo, mayaman ha..
Malinis naman syang tignan.
...Pwede. 
'Pag dumadaan sya sa harap ko, tinatangka ko syang amuyin, at natuklasan kong..
...hindi naman sya ganun kabango. Pero hindi sya mabaho ha.
Ahhhh, Baka sa the way he talks.
...Ahm, the same din naman with the others e. 
Baka sa interaction nya sa mga studyante nya.
...Mabait naman sya and just a typical C.I..

Pero syempre first day pa lang namin, hindi pa kumpleto assessment ko sa kanya. Sabi 'nya' toxic daw dun. Malamang itoxic nya din kami. Naranasan na kaya yun ng mga classmate ko? Ang matoxic sa kanya. I think so. Therefore, kung gusto pa din nila si sir kahit toxic sa kanya, hindi kaya Masukista sila? Joke. ^^

Sa naobserve ko naman kanina e hindi kami toxic sa ward na yun. Siguro first day, walang soapie, walang wound dressing, at walang pasok kinabukasan. Actually, parang hindi na ako sanay na hindi naii-stress. Narealize ko tuloy, na fullfilling pala 'pag may nagawa kang kakaiba sa buong shift ng duty mo na hindi mo madalas ginagawa o kaya first time mo pa lang gagawin. Kesa buog shift ka lang nakatayo, v/s, soapie, tanong ng konti at uwi na. Minsan nakakasawa din kahit alam naman nating yun ang pinakamasaya sa lahat.

Oo nga pala may soapie pang gagawin. Stress na teka! Hingang malalim para makapag-isip ng maayos.
....
....
....
....
....
....
....
I have decided.
Bukas na lang sya. Aba gabi na. tulog na muna anu..
Leggi tutto >>

Monday, November 15

Ano?

Lihim na umiiyak ang aking puso.
Hindi ko alam kung bakit.
Normal naman ang aking paghinga,
Ngunit tila ba humihikbi itong aking dibdib.

May gustong sabihin,
May nais iparating.
Hindi ko naman marinig...
Bakit nga ba?
Bakit?
Leggi tutto >>

-.-

Siguro minsan 'pag naipon na lahat ng sakit, hinanakit, at problema sa puso mo, bigla na lang parang gusto  nitong sumabog at ilabas ng kusa lahat ng nilalaman nito, na hindi iniisip kung may mga ibang tao bang maaapektuhan. Gusto mong magalit, gusto mong magwala, gusto mong sumigaw ng napakalakas, kahit na sa totoo naman ay hindi mo alam kung ano nga ba ang pinakapuno't dulo ng lahat. Gusto mong hanapin dito sa puso mo kung bakit mo nagawa ang mga bagay-bagay. Pero ang resulta e wala kang mahanap o hindi mo lang talaga matukoy kung ano sa lahat ng iyon ang pinanggalingan. Sa dinami-dami ng problemang tinanggap mo, sa dami ng sakit at dusa, akala mo ay kaya mo na ang lahat. Ang akala mo ay hindi ka mapupuno, pero nagkamali ka! Unti-unti kang napuno, unti-unti kang umapaw ng hindi mo namamalayan. Naging pabaya ka! Kaya ngayon ganto ka!
Leggi tutto >>

Monday, November 8

Malas na swerte?

Lunes. May usapan kami ni Monica na pupunta sa school para magpacertify ng classcards para sa scholar ng Bataan. Pero kung minamalas malas ka nga naman, walang kuryente. Hindi ako makaligo. Wala akong maisip na pwedeng gawin, at tutal naman ay inaantok pa ako, pinagpatuloy ko ang matiwasay kong tulog. Umabot ang bisyo ko hanggang tanghali. Kahit init na init parang tuwang tuwa pa akong natutulog. 

Buong akala ko ay wala din kaming tubig kaya tumatak na sa isip ko na baka hindi na matuloy ang lakad namin ni Monica. Pero laking gulat ko ng may tulo pala ang gripo namin sa harapang bahay. Hai, nag-igib pa ako para lang makaligo. Hirap maging dukha at maralita. hooo.

Tuloy na tuloy na ang pagtakas ko sa bayang tila napakalayo sa sibilisasyon. Papunta na ako ng bayan! Nagkita kami ni Mamita sa byahe. Sira ang byuti nya. Wala kasing kuryente, hindi sya nakapag-plantsa ng kanyang bangs. ang resulta, kulot! 

Pero naisip ko bakit nga ba walang kuryente ngayon? Isa itong malaking palaisipan. Walang may alam, bukod sa may mga may nito.

Nandito na ako sa Balanga. Nagugutom ako. Hindi kasi ako nag-lunch. Nagpaxerox muna kami ng classcard at noon lang napagtanto ni Monica na hindi pala nya dala ang card nya ng major subject namin. Paano ba namin yun lulusutan? Ok, isip muna pero bago yun, ako muna ang mag patatak. Mabilis lang pala, hindi tulad ng enrollment namin nung friday kinakailangan mo ng lakas ng loob, tibay ng dibdib para manatiling buhay sa pila. Tumagal naman kami, at ang tagal nga talaga namin. Nung kami na ang susunod, kami talaga, konting segundo na lang ang paghihintay kami na, biglang dumilim ang paligid, kumulog, kumidlat, sabay sabi ni Mr. President na "LUNCH BREAK". Awts, ang sakit. Ang kinalabasan e, binigyan kami ng number. Nagpasalamat na din ako at #1 ako!

Back to the story. May naisip na si Monica na pwedeng gawin para malusutan nya to. Pumunta kami sa Danritz at namili ng indexcard. Swabe. Tapos ang problema. 
(Wala pa kasi kaming classcard sa major namin, kaya indexcard na lang muna pinagawa samin ng aming C.I.)

Ang daming classcard na hawak ni Monica, sari-sari. Nasa kanya kasi yung ibang card ng classmate namin. Pumunta kami ng mcdo, finally makakakain na din! Ako ang umorder. Pagkatapos kong umorder nadatnan ko si inang na nakayukyok. Tatanungin ko pa sana sya kung bakit ng makita ko ang hawak nya. Photocopy ng classcard nya, KRIZEL NAVOA ang pangalan. Natatawa ako! Ayaw talaga kami patapusin anu. 

Pagkatapos naming kumain bumalik kami sa school, bute madali silang pakiusapan. Uwian na. Dito na nagtatapos ang araw ko, kahit na umasa akong sa pag-uwi ko e may kuryente na.

Leggi tutto >>

Sunday, November 7

Ayoko!

Mali ba ako kung piliin kong maging bingi at bulag sa mga problema sa paligid ko?
Mali bang maging masaya?
Mali bang hindi na sila intindihin pa?
Mali bang ituring silang hindi kasama sa aking mundo?


Dahil ayoko sa problema,
ayokong maapektuhan,
ayoko!
Leggi tutto >>

Who am I?

Habang sinusulat ko ang blog na to, e pinakikinggan ko ang isang kanta ng Casting Crowns, ang Who am I? Wala naman talaga akong balak na magpost ngayon, bigla lang ako nagkaroon ng inspirasyon. Ang ganda talaga ng kanta, gusto kong gitarahin, kaya nag browse ako sa internet ng lyrics at tipa nito. Habang ginigitara ko siya at sabay na kinakanta, noon ko lang naintindihan ang totoong ibig sabihin ng kantang ito. Gustong tumulo ng luha ko. Hindi ko alam kung bakit.

Hindi naman talaga ako relihiyosong tao. Hindi ako mabait at araw-araw nagkakamali. Batid kong hindi ko Siya pinahahalagahan bagaman naniniwala ako sa kakayahan nya. Mahal ko Siya pero alam kong hindi sapat para sa nararapat sa kanya. Pero hindi Siya nagsasawang ipadama sa akin ang pagmamahal nya.

Who am I, that the Lord of all the earth
Would care to know my name
Would care to feel my hurt

Sino nga ba ako para pahalagahan niya? Lord is still Lord without me. But who am I without him? Sa lahat ng sakit na pinagdaanan ko, naging matatag ako dahil sa kanya. Hindi nya ako pinabayaan sa mga panahong hindi ko alam san ba ako tutungo? Tinuro niya ang daan patungo sa kanyang puso. Sa walang hanggang pagmamahal.

Still You hear me when I’m calling
Lord, You catch me when I’m falling
And You’ve told me who I am
I am Yours, I am Yours


"Kung anu man ang gawin ko sa kapwa ko ay parang ginawa ko na din sa'yo."
Pero nung kinailangan ko Siya,  pinatawad nya ako at muling dininig ang aking mga lihim na daing. Hindi man bigkasin ng aking mga labi, pero naguumapaw sa aking puso ang pagmamahal at pasasalamat sa iyo. Ngayon alam ko na kung ano ang dahilan ng aking buhay, yun ay maglingkod sa ngalan MO.

Whom shall I fear
Whom shall I fear
‘Cause I am Yours
I am Yours


:))
Leggi tutto >>

Thursday, November 4

'Wag kang magtatanong.




From Yeng's tumblr account.
*Swak na Swak ai. haha. Love love love. <3


Leggi tutto >>

Wow.

I Just took Tibetan Personality Test awhile ago. it was given to me by a common friend through facebook. Yah! Very shocking! Some of the results we're true. It's like taking a a psychiatric test or psychological test  or what so ever. Try nyo mga friends!! :D

These are the results:
1-st question. Priorities in your life:

1: CAREER
2: LOVE
3: PRIDE
4: FAMILY
5: MONEY


2-nd question:

aweful implies your own personality. 
cute implies personality of your partner. 
pathetic implies the personality of your enemies 
nice- It is how you interpret sex.
wide implies your own life.


3-rd question: 

mama - Someone you will never forget. 
kuya - Someone you consider your true friend. 
**** - Someone that you really love.
ate glad - Your twin soul. 
papa - Someone that you will remember for the rest of your life. 


Leggi tutto >>

Tuesday, November 2

T.Y. very much!

Sumisikat na ba talaga ako?
O pawang kathang isip lamang ang lahat? 
Pero kung kathang isip man to. 
Ito na ang pinakagusto ko! 


Madami na rin akong naimpluwensyahan na maging mga Bloggers. Mga gaya-gaya din kasi e. Piss! Infairness, matindi din sila gaya ko. Mga certified Bloggers na talaga. Pero nagpapasalamat ako sa lahat ng nagawa nila dito sa aking Blog site. 


Walang humpay na pasasalamat sa inyo mga Dudes:
-Mr. Jayvee Daracay 
(Click this to view the blog. click me.)

and

-Mr. Ronald Allan Palafox
(Click this to view the blog. click me.)


*Kayo na nga mga pare! Thank you so much! <3


Leggi tutto >>

Good, Good night.

          Sabay nyang pinapatawa at pinapaluha ang aking puso. Siya ang nagpapangiti sa akin habang ako ay naliligo. Siya ang nagpapaalala sa akin na masaya ang buhay, kahit minsan ay unfair. Ang puso ko ay lihim na nagdiriwang ng dahil sa kanya. Hindi siya perpekto, hindi rin siya mabait na tao, pero mabuti siyang kaibigan. Siya ang nagpapaligaya ng buhay ko!


          Ilang oras na lang ay sasapit na ang undas. Pinaghahandaan, pinananabikan. Meron kaming usapan ng aking mga 'daBarkadas' sa panibagong session. Excited na ako. Malamang matindi to. Bagama't muntik muntikan nang hindi na matuloy ang aming lakad, e sa awa ng Diyos, nairaos pa rin namin. Doon sa payak na kubo nila Mutya kami sumilong. Ganun pa din tulad ng dati ang aming pinaguusapan, minan debate, minsan informative, minsan kalokohan(^^), minsan panlalait. Pero may bago kaming pinagusapan kagabi. Yun yung pagkakamiss namin sa bahay ni Grace. Shocks! Iba talaga 'pag andyan siya, may direksyon ang bawat buhay namin. Madaling araw na naman ako nauwi, Hai! anu na naman kaya ang sasabihin kong dahilan ke mama? Mabuti nang 'wag na lang magsalita.

         Eto na nga. Matindi ang gising ko. Alas onse ng umaga. Ang dami kong na-miss na pangyayari. Totoo ngang 'pag late na ang gising mo e, wala ka ng grasyang matatamo. Ayun! hindi ako kasama sa mga pictures, ang tamad-tamad ng image ko, eksena ako! Hay! Pero bumawi naman ako, Kinilasan ko ang aking kilos. Naligo, kumain, at go! na. Hindi ko na sila hinintay para sigawan pa ako.

Sige move on na ako! ikain ko na lang to. 
....wala na! Patay na naman ang sikmura ko.

"I gotta a feeling, that tonight's gonna be a good night, that's tonight gotta be a good good night!'

        Sa dinami ng kinain ko, hindi ko na nagawang maghapunan. At tumuloy na lang sa susunod kong lakad. Ang Battle of the band.  Pumwesto kami sa ibabaw ng bahay ng mga nitso. Di naman namin akalain na pwede pala kaming madiscover sa lugar na iyon! Ayos ang spotlight. Muntik ng maging amin ang lahat. Nag-inom kami, at sumakit ang ulo ko. Hindi dahil sa pagkalasing, kundi sa bitin na buhat nito. Anu ba naman kasi ang dalawang lagok na redhorse?

         Ok! ganto na naman ang aming buhay. Wala na namang direksyon. (Grace bumalik ka na!) Ala-una na hindi pa namin alam kung saan kami pupunta. Nagpunta na kami sa Pag-asa, nagsiuwi din sila. Badterp ba! Limang natitirang matitibay! Nagpunta kala Don! Namiss ko sila infairness. Ganun pa din sila, maasikaso, mabait, makukulit, at mga adik. :D Umuwi din kami, pero bago yun, maalala ko, nakita ko pa pala si Papa ko sa may Plaza. Naghihintay ng biyahe, ewan ko kung nakita nya ako na naka-angkas ke R.a., na-disappoint ako sa sarili ko. Sana kasi hindi ko na siya nakita. Hindi sana ako naiinis ng ganto sa sarii ko. 


          Anyway, sa maikling gabing ito sa aking buhay, nag-iwan ito ng ngiti, at tuwa sa aking puso. Tamang pahalagahan ang mga bagong kaibigan, pero 'wag kakalimutan ang mga lumang kaibigan na isa sa mga dahilan kung anu ka ngayun. Mahalin ang mga bago, pero mas mahalin natin ang mga luma. Hindi mapapantayan ang tinatawag nilang 'sentimental values'.


"Ang hindi Lumingon sa pinang-galingan ay hindi makakarating sa paroroonan!"


Leggi tutto >>