Pages

Saturday, October 9

Bad Day!

Ayokong maramdaman na parang ako ang may kasalanan kung bakit sya nahihirapan.
Ayoko din naman na makita syang nahihirapan at wala akong magawa para ito maibsan.
Ako ba ang may kasalanan?
Kung talagang puno na ang byaheng jeep at pinilit pa talaga nyang sumiksik sa aking tabi para makauwi?




Masaya naman ang simula ng umaga ko. Ready na para sa exam sa Surgical. Kaso may misa daw, ayun naposponed ang exam namin at na-move sa lunes. May misa kasi ang bagong Obispo sa aming school. Dahil sa mabuti akong mag-aaral, nagsimba naman ako sampu nang aking mga kaklase. Nagdasal ng mataimtim  at nagpuri sa Diyos.




May isa pa nga palang stressor. Ang RESEARCH! Hindi ko alam pero para talagang hindi ako confident sa mga title na idedefend namin. Basta naging positive na lang ako. Pinilit kong iayon ang aking kalooban sa aming idedefend. Pero marahil hindi ito naging sapat. Nang dumating na ang oras na ilang araw na naming hinhintay, ayokong kabahan, hindi rin naman ako kinabahan. Kaso sana pala kinabahan na lang ako, baka sakaling kahit isa e may naaprubahan sa mga pinroposed namin. Sana hindi kami ngayon nanlulumo at lumulubog sa kahihiyan ng dahil sa mga nangyari.




Mabuti pa rin talaga ang panginoon at hindi kami hinayaang mag-isa. Biniyayaan nila kami ng kasama. Gaya namin e sila din yung mga hindi pinalad.




Kinailangan naming hintayin si Sir Jobe para tulungan kaming gumawa ng title. Sa gitna ng aming paghihintay, tila nakisama ang langit sa aming mga hinanakit. Dumilim ang paligid, kumulog, lumidlat, at umulan. Tila ba nagluluksa at nakikiramay sa aming dalawang grupo na halos mawalan na ng tiwala sa sarili.


Ayokong maging maliungkot, gusto kong ipakitang okay lang ako at hindi ako bitter, at wala akong sinisisisi dahil wala naman talaga. Ayokong makita nila ang lungkot ko. Gusto ko okay ako. Kahit salungat ito sa tunay kong nararamdaman.




Pero anong ginagawa ko ngayon kung ganon?
Marahil gusto ko lang na ilabas ang luhang hindi ko pipiliing tumulo sa aking mga mata,
kundi mga luhang gumagabay sa aking mga daliri at kamay para magsulat.




Pagkatapos ng lungkot ay saya. At gusto ko na ngang sumaya.

2 comments:

Cez said...

Wuuu..

Affected naman ako dito sa sinulat mo. Haha!

Nice nice nice. :D

Kasama mo naman ako naging bitter non, hindi lang masyadong halata. Hehe!

Kaya natin 'toh. Positibo!

:))

Mua!

P.S.Two thumbs up sa pagiging blogger mo, Sister! :))

Chinita.012 said...

hai naku cess.. haha.. thank you so much. ilab you <3 <3 <3
hindi lang talaga natin panahon nun hehe.. :D smile na lang tayo hehe