Pages

Tuesday, October 26

F**k You - Lily Allen

Para sa mga malalakas ang trip hehe. Pakinggan ninyo to.. :D
F**ck you very very muaaaaccchhh!!! :D










Leggi tutto >>

Monday, October 25

Botohan.

       Lahat naman ng tao nagkakamali. Hindi lang ako, ikaw, o sila. Pero ang mahalaga e kung papaano tayo babangon at haharap sa mga pagkakamali na iyon. Hindi nasusukat ang buhay sa kung gaano kadami ang nagawa mong pagkakamali at kasalanan sa iba at sa sarili mo, kundi kung gaano mo ito pinagsisihan ang mga sandaling minsang bumago ng buhay mo sa bawat araw na ikaw ay humihinga.

      Tinangka akong gisingin ng maaga ni mama kanina. Lunes ngayon, October 25, eleksyon ng kapitan at kagawad. Pero matatag ang paninindigan ko sa pagkakatulog, hindi ako nagpadala sa emosyon ng nanay ko na nung mga panahon na iyon ay malapit na akong hilahin pababa sa hagdanan. Pilit ko pa ding pinupuno ang kulang-kulang kong tulog simula ng mabuhay ako sa mundong ito. Nang magising ako e kumain muna ako at bumoto na. Mainit. Yun lang marahil ang masasabi ko. 

      Pagsapit namin sa Gate ng school, sinalubong na kami ng mga taong nagbibigay ng Flyers. Nakakatuwa dahil bago ako umalis ng bahay kanina e napanuod ko pa na bawal na ang pamimigay ng flyers at pagsusuot ng mga damit na merong pangalan ng kandidato simula pa kahapon. Mga tiga-Bagac nga naman. 

      Nagtuloy tuloy na kami at huminto sa tapat ng mga kandidatong nanghaharang. Sabi ni mama ko andun daw ang ninang ko, dahil sa hindi naman ako mahilig magikot ng mga mata sa paligid, nagmano na lang ako sa kung sino ang nasa harap ko. Patay malisya pa ako kahit alam kong hindi ko naman ninang ang pinagmanuhan ko. Siguro ay nabigla din sya, buti na lang at kandidato sya at hindi sya makaangal. Medyo matanda na sya kaya pinapagpalagay ko na lang na malilimutan nya din yun. Pagkatapos naming bumoto sa presinto namin na hindi na ata inaabot ng sibilisasyon sa sobrang layo, palihim akong nangingiti sa sarili ko dahil sa kahihiyan na ginawa ko. :D

       Dahil 2nd time voter pa lang ako, inaamin ko na nangangapa pa ako. Hinihintay ko si mama kung anung susunod nyang gagawin. Sa tingin ko naman ay effective dahil pasimple lang namn style ko e. Tanda ko pa ang number ko, dahil kanina lang naman yun e. Pang-99 ako! Parang patis lang.

     Sa pagmamadali ko at dahil sa pag-iisip ko na 'Basta makaraos', kung sino na lang ang nilagay ko at kung sino ang nangharang sa amin kanina ang sinulat ko sa aking balota. Nung hindi ko napuno, e tumingin ako sa gitna ng listahan at sinimulang isulat ang mga pangalan mula doon hanggang sa pinakababa. 

     Malapit na kami sa bahay ng maalala ko na nakalimutan ko pa lang isulat ang pangalan ni 'ate Osie', (wag naman sana akong isumbong ng mga makakabasa nito!) 'Bat ba kasi nalimutan kong tanungin ang totoong pangalan nya beforehand. 

    Ang lahat ay hindi nadadala sa pagmamadali kahit na madalas e mas maganda naman talaga ang mas mabilis. Pero hindi sa lahat ng panahon e ginagamit ang ganitong panuntunan. 'Bat di muna nating subukang kilatisin ang ang mga bagay sa ating paligid. Siyasatin, obserbahan, titigan, ng sa gayon ay mas makita natin ang iba't ibang angulo ng buhay. Mas makapamili ng mas maganda, at mas mapapakinabangan. 
    
    Ang iba sa inyo ay ganito marahil ang panuntunan sa buhay, ang iba ay hindi. At para dun sa mga hindi, gaya ko, subukan natin na sa susunod na eleksyon iayos ang ating pamimili, magfocus at magisip muna para maging tama ang mga desisyon...


Leggi tutto >>

Sunday, October 24

Stephenie Gee

It's Stephenie Gee. When I first saw and hear this video, I was so amazed. I Just cant get over it. Her voice is very angelic that i love to hear it over and over again.

Short Background: she is a Korean, Yes! But was born and raised in New York city.
(it seems that I was accidentally hooked to half Koreans). yah LOL :D


Leggi tutto >>

Inspired. :)

           Sa mga panahong ang akala mo ay ikaw na ang pinakamalungkot na tao, pinakanaapi, pinakamalas, pinakawalang kwenta, at lahat ng masamang 'pinaka', meron pa ring mga bagay, tao o maging hayup man sa paligid mo na magbibigay inspirasyon muli sa iyo para ipagpatuloy ang buhay na minsan mo ng kinalimutang pahalagahan.

        Ang totoo, hindi naman talaga humihinto ang utak ko sa pag-iisip ng kung anu-anung bagay. Ang dami ng dumaan sa utak ko, na sa sobrang dami at tagal ng naka-stock sa utak ko e nalimutan ko na sila. Madami ng pagkakataong tinangka kong magsulat muli pero masyado ding madami ang dahilan para hindi ako muling magsulat.

       Andrama ng ko ngayon!! hehe. Pero ang totoo, gusto ko lang magpasalamat sa mga supporters kong
kaibigan, at kay Ms. Lhiza Peñalosa,  Hindi nyo lang po alam kung gaano kahalaga ang ginawa nyong pagcocoment sa aking Blog. ('very nice blog..') very simple yet so inspiring.. Binuhay nyo po ulit ang gana kong magsulat.
         At para sa pinakahayup kong kaibigan na si R.a Palafox, na pinangalandakan na ako lang ang nagfofollow sa sarili ko. Well!! thank you pa din kasi You're such a reader pala of my Blogs. Thank you din kasi kundi dahil sa pagpopost mo sa wall ko na ito...

"PARE,.


i
just noticed na tinatamad ka ng sumulat sa iyong BLOG..marahil dahil siguro wala kang narereciv na comments (papuri man o panira :p) o wala man lang
ibang followers kundi ang iyung sarili..(geehh,,lokohin mo lng sarili mo :D)..bagamat
ganun ang nagyayari,,I just want you to know that im always checking ur blog
and binabasa ko din mga SULAT mo,, FOLLOWER mo ko kahit hindi official,,Maganda
mga sulat mo,,may lessons,,nakakatuwa at nakakaaliw,,nailalahad mo ang
pangyayari sa simpleng buhay mo..AYUS yun!! PAGPATULOY mo lang…balAng araw sisikat
ka din (sabi mo ngaJ)

from ur fan,

AHREIY ♥"



...e hindi siguro maglalabasan ang mga masusugid kong tiga subaybay. Maraming Salamat.. :D

      Gusto ko ding pasalamatan si Cathy Mendoza dahil sa pagaabala niyang ifollow pa talaga ang Blog ko. Love you very much Cath.. <3
      At sa mga Trulalu friends ko na nagcomment:



@icah- 'I ♥ U cherie,. Go lang,. blog lang ng blog ! :)'
@florend-'Tama si itay!!! ipag patuloy mo lang yan..... we will support you!!!! go!!'
@cath-  ' say what you want to say dear,.!!!
suportanta ka,.'
@mamita-'ui follower din aku dun ahh'
@kiumi-'naks. :))'
@cess- 'ganda ng blogsite mu in fernez.. Keep it up'

At kay Ate Glad ko na alam ko forever tigabasa ng mga Blogs ko. Love you teh. 
Kay Grace Larion na pinakauna kong Follower. Hehe 
(haha parang Sikat na sikat na ako a. haha ware lang)

*I love all of you. <3 Hindi matatawaran ang kabutihan nyo hehe..
Ms. Cathy Mendoza
Ms. Lhiza Peñalosa




Mr. R.a. Palafox


Ms. Kiumi Navoa


Ms. Micah Mariz Bantugan
Ms. Muriel Basilla
Ms. Florend Quicho
Ms. Princess Morales
Ms. Gladys Palad
Ms. Marie Grace Larion
                                                      
Leggi tutto >>

Saturday, October 23

Baby.

Yay! Picture ko with my baby..
Kay tagal kong iniyakan mga magulang ko para makabili lang ng Gitara.
Yung totoo, nangupit pa ako sa tuition fee ko para makabili lang ako nito, hehe.
Pero after ko namang makabili sinabi ko din naman ang totoo e. hehe, hindi naman sila nagalit.
whooooo.
Hindi siya kasing expensive tulad ng iba pero mahalaga siya sa akin.
halos ayoko na nga yang ilabas sa case nya e. (Binili ko pa anu??hehe)
Siguro dahil sa siya ang First guitar ko kaya mahal ko siya.
Malay mo balang araw makakabili din ako ng mga Sosyal na guitar.
Hindi malayo haha!!
Pero sa ngayon, enjoy muna ako sa kanya... :D

with my Baby. :D

Leggi tutto >>

tropa ko forever

Hehe. eto ang Barkada for Life ko.
Tropa ko noon, tropa ko pa din ngayon, at tropa ko Habambuhay..... Mahal na mahal ko sila kahit minsan e hindi naman talaga halata. hehe <3
How I wish forever kaming magkakasama. Ang sarap mabuhay kasama ang mga totong kaibigan. hehe.
*Composed of: (from Left)
-Jomer(ahmm illegal alien lang talaga sya hehe.)
-Paulo(ang dakilang pari)
-Lyra('The Innocent")
-Grace(hindi nawawalan ng pag-asa)
-Boyong('the Cleaner')
-Pok(hearthrob 'ehem')
-Ate Kaye(ang Emong-Emong ate.harhar)
-Ako??wala ako jan e. Puro Singit lang hehe.

Well here we are.. enjoy..


Leggi tutto >>

JayessLee


My favorite duo. The JayEssLee. (JS for Janice-right and Sonia-Left)
Yah, they are really twins.They Live in Australia though their parents are pure Korean.
That is why they know how to speak, write and read Korean language.
This is one of their covers, well this Video is really awesome. Love both of them.

How i wish I could see them two in person.
enjoy..
Leggi tutto >>

:)

Kainis lang.
Hindi na ako makapagsulat ng mga bago kong Blogs.
Medyo nagkakatamaran na e. :D
Try ko mamaya. haha
Sana hindi ako tamarin..
Leggi tutto >>

Saturday, October 9

Bad Day!

Ayokong maramdaman na parang ako ang may kasalanan kung bakit sya nahihirapan.
Ayoko din naman na makita syang nahihirapan at wala akong magawa para ito maibsan.
Ako ba ang may kasalanan?
Kung talagang puno na ang byaheng jeep at pinilit pa talaga nyang sumiksik sa aking tabi para makauwi?




Masaya naman ang simula ng umaga ko. Ready na para sa exam sa Surgical. Kaso may misa daw, ayun naposponed ang exam namin at na-move sa lunes. May misa kasi ang bagong Obispo sa aming school. Dahil sa mabuti akong mag-aaral, nagsimba naman ako sampu nang aking mga kaklase. Nagdasal ng mataimtim  at nagpuri sa Diyos.




May isa pa nga palang stressor. Ang RESEARCH! Hindi ko alam pero para talagang hindi ako confident sa mga title na idedefend namin. Basta naging positive na lang ako. Pinilit kong iayon ang aking kalooban sa aming idedefend. Pero marahil hindi ito naging sapat. Nang dumating na ang oras na ilang araw na naming hinhintay, ayokong kabahan, hindi rin naman ako kinabahan. Kaso sana pala kinabahan na lang ako, baka sakaling kahit isa e may naaprubahan sa mga pinroposed namin. Sana hindi kami ngayon nanlulumo at lumulubog sa kahihiyan ng dahil sa mga nangyari.




Mabuti pa rin talaga ang panginoon at hindi kami hinayaang mag-isa. Biniyayaan nila kami ng kasama. Gaya namin e sila din yung mga hindi pinalad.




Kinailangan naming hintayin si Sir Jobe para tulungan kaming gumawa ng title. Sa gitna ng aming paghihintay, tila nakisama ang langit sa aming mga hinanakit. Dumilim ang paligid, kumulog, lumidlat, at umulan. Tila ba nagluluksa at nakikiramay sa aming dalawang grupo na halos mawalan na ng tiwala sa sarili.


Ayokong maging maliungkot, gusto kong ipakitang okay lang ako at hindi ako bitter, at wala akong sinisisisi dahil wala naman talaga. Ayokong makita nila ang lungkot ko. Gusto ko okay ako. Kahit salungat ito sa tunay kong nararamdaman.




Pero anong ginagawa ko ngayon kung ganon?
Marahil gusto ko lang na ilabas ang luhang hindi ko pipiliing tumulo sa aking mga mata,
kundi mga luhang gumagabay sa aking mga daliri at kamay para magsulat.




Pagkatapos ng lungkot ay saya. At gusto ko na ngang sumaya.
Leggi tutto >>