Pages

Friday, September 24

Teleserye..

Due to public demand, susulat ako ngayon ng isang nobela na hindi ko pa alam kung anu ang storya.
Hindi ko pa alam ang mga bida at kung matatapos ko ba.
Haha bahala na siguro!
Basta mapagbigyan ko ang mga malulupit kong tigasubaybay.
(kung meron nga talaga, haha). 
Basta ang masasabi ko lang ay on the spot ko itong gagawin,
pero tinitiyak kong 100% galing ito sa aking puso. 
(Sana ay magbasa naman. hehe :D )



                Malupit na kapalaran. Mapaglarong tadhana. Hindi makatwirang buhay. Sino nga ba ang gugustuhin pang mabuhay sa mundong ito kung tanging kasamaan, kalupitan at mga makasariling kagustuhan lang ang umiiral at nagpapatakbo ng ating lipunan. May puwang pa ba ang pag-asa? Ang pagmamahal? Ang pagpapatawad? Ang pagbibigay?


              Ako si Joy, isang probinsyana. Mahiyain, tatak ng isang dalagang Pilipina. Simple at walang luho. Dalawampu't isang taong gulang na ako. May itsura naman daw ako, sabi nila. Pero sana nakikita ko din ang sinasabi nilang aking iginanda nung ako'y magdalaga. Isa akong bulag, halos limang taon na. Isang aksidente daw sabi ng aking ina. Limang taon na ang nakalilipas, sa aming tirahan sa may dalampasigan. Madilim ang paligid, habang hinahanap ko ang aking ama para ayain sa hapunan isa pa lang rambol ang aking masasalubong. May tumalsik na bubog sa aking mga mata, hindi ko nakita kung kanino at saan ito nagmula. Basta matapos nun ay namalayan ko na lang ang sarili ko na nasa hospital na ako. Gawa ng kapos kami sa salapi, hindi na naipaayos ang aking mga mata kahit malaki ang pag-asa makakita ulit ako kung may donasyon.
             Marahil iyon na ang pinakamasaklap na nangyari sa aking buhay. Iyak ako ng iyak. Puro galit ang nasa dibdib ko. Sa Diyos, sa taong may kasalanan nito, sa kapalaran, sa lahat! Hindi ko matanggap na mabuhay sa dilim. Ang sabi ko sa sarili ko hindi ko kaya!Pero unti-unti kong tinanggap ang aking sarili at ang bigay sa akin ng Diyos. Unti unti kong minahal uli ang sarili ko. Napatawad ko ang Diyos, sino ba naman ako  hindi ba? Pati na ang kapalaran, dahil batid kong ako lang din ang gumagawa ng aking sariling kapalaran. Ang hindi ko lang siguro matanggap ay ang taong may gawa sa akin nito dahil diniktahan nya ang kinabukasan ko. Pero gayon pa man, sa wakas, nakaya ko!
            Sa kasalukuyan tinutulungan ko ang aking ina sa pananahi ng basahan, na siya namang nilalako nya sa palengke. Sa tinagal ng panahon, nagamay ko na din ang munti at luma naming makinang panahi. Batid ko namang wala akong makukuhang magandang trabaho dahil sa kalagayan ko at ang hindi ko pagkakatapos ng high school. Kung hindi sana sa pagkakabulag ko ay may maganda na siguro akong trabaho at kumikita para kala inay at itay. Kung hindi sana sa taong yun!
             May isa akong matalik na kaibigan, karamay ko siya sa aking mga problema lalo na noong nabulag ako. Lagi siyang nandiyan para suportahan ako. Sana ay hindi na siya mawala sa piling ko.


               Ako si Roger. Rebelde daw. Blackship ng pamilya. Marami ng nagsumpa. At siguro kalahati sa mga nagsumpa na iyon ay ang pamilya ko. Puro kabulastugan ang alam ko, sabi nila. Adik. Walang utang na loob. Hayop. Halimaw. Walang puso. Sanay na ako sa mga ganyang salitang binibitiwan sa akin ng aking pamilya. Mas nakukumpleto nga nila ang araw ko 'pag sinasabihan nila ako ng ganon. Kulang na lang siguro e mamamatay tao. Oo nga naman, panira nga naman ako sa imahe nila. Ang lima kong kapatid e mga nakapagtapos ng pag-aaral at hindi lang basta basta. Doktor, Inhinyero, Attorney, Manager at Arkitekto. Ako lang ang hindi nakapagtapos ng pag-aaral. High school lang ang tinapos ko. Fine Arts sana kukunin ko, kaso sabi nila wala daw kwenta. Tinamad na ako. Hindi naman talaga ako mahilig mag-aral e. Ang gusto ko lang e pasakitin ang ulo g mga magulang ko. Dun ako mas nage-enjoy. Hindi naman ako mukang pera tulad nila, gusto ko lang simpleng buhay, kahit walang pang-gastos basta may kinakain okay na sa akin. Gusto ko na ding humiwalay sa kanila. Sawa na akong pasakitin ang mga ulo nila. Kaya ang balak ko e umalis dito sa bahay ng hindi nagpapaalam. Para kahit na wala na ako, e napupurwisyo ko pa din ang buhay nila. haha.


               Ako si Noel. Simpleng binata. Misteryoso. Matalik na kaibigan at kapitbahay ni Joy. Isang mangingisda. Halos wala ng pangarap dahil sa tingin ko e wala na din namang pag-asang makaahon pa. Madami akong lihim kay Joy, kahit sabihin pang matalik kaming magkaibigan. Isa na doon ang Lihim kong pagtingin sa kanya simula pa noong kami ay mga bata pa.

*Abangan kung paano tatakbo ang storya at paano magkakaroon ng relasyon ang mga buhay ni Joy, Roger, at Noel.


(Hehe. Hindi ko alam kung kelan next episode, 'pag sinipag ulit ako. Pero sa ngayon tulugan muna mga dudes a. Haha.)
GOODNIGHT! :D


(konti lang naman e basahin nyo na tapos leave kayo ng comment kung anu maganda takbo ng story.
kung ayaw, sige na aba Minsan lang ai. ;D 
Tnx a lot. ;D )



0 comments: