Pages

Tuesday, September 21

“Mabuti pa sa SAUDI ARABIA may hustisya”

Hahahaha… ang ganda ng pamagat di ba? pero yaan ang totoo sa bansang yan, buti pa sa bansang karamihan ay hayok sa laman at lahing impokrito meron mabilis na uri ng sistema hudikatura… sa mga mamamayan nila!

Ako ay isang pangkaraniwang OFW na nangangarap na uumunlad ang buhay na nakaranas ng kalupitan sa bansang iyan, eto ang aking kwento;

Akoy nakipagsapalaran at umalis sa ating bansa na ang sahod na pinirmahan ay 800sr na hindi man lang umabot sa itinakda ng ating saligang batas sa pamamagitan ng POEA, hindi ko inaangal iyon at tinanggap kong maluwag sa aking puso kumpara naman sa minimum na sahod dito sa pilipinas na ang makukuha mo lang ay walong libong piso na bugbog pa ang katawan mo sa bawat oras na tinatakbo ng trabaho mo. Sa madaling salita, nasa jeddah na ako at nakapagtrabaho… 3buwan akong hindi pinapasahod at walang balak na akoy pasahurin, kaya umabot sa kinailangan ko magpunta sa konsulado upang ireklamo ang kumpanya at umabot hanggang sa ministry of labor ng saudi arabia.

Nagharap kami ng employer makalipas ang 2buwan at sa paghaharap na yun kasabay ang hatol sa kasong aking isinampa. Hindi nagtagal ang desisyon ay pumabor sa aking employer na kalahi nila mismo, at hindi na nakapagtataka yun. Sa ngaun andito na ako sa pilipinas ang kinasuhan ko ang agency na nagpaalis sa akin dahil sila ang nagbigay sa akin ng abusadong employer na matanggal na palang nanggagago at nagpapahirap sa ating kapwa pinoy.  Dalawang buwan na mula ng nagfile ako ng kaso sa POEA at NLRC pero parang alanganin pa silang desisyunan ang kaso. Mabuti pa sa SAUDI ARABIA mabilis ang hustisya sa kanilang kalahi. Andito na ako sa aking bansa pero parang ako pa ang MASAMA!!!


-September 20, 2010
By romeo maglunsod
(kuro-kuro.org)

0 comments: