Pages

Monday, September 20

I'm not in-love!

Masaya naman ako na ganito ako.
Walang iniisip, at walang iniintindi!
Kainis naman, bakit ko ba nararamdama ang ganito?


Gusto ko uling maramdaman ang masarap na pakiramdam na iyon. Parang laging nasa ulap. Magaan, na sa sobrang gaan hindi mo mamamalayan ang paglipas ng oras.


Yung gusto mo tumigil ang oras. Kahit mga ilang minuto lang. Pagbigyan ng Diyos ang isang napakababaw na hiling na ang katumbas para sa iyo ay buong buhay mong tatanawing utang na loob.


Halos hindi kumakain. Hindi rin makatulog. Tulala madalas.


Yung tipong nakikita mo ang iyong bukas sa bawat pagtingin mo sa salamin. Kumakanta sa pagligo.
Nangingiti 'pag may dumagi sa isipan. Hindi mapakali sa bawat oras. Nagmamadali sa bawat pagtunog ng cellphone.


Para bang bawat ngiti at pagtawa g labi ay iisa lang ang dahilan. Siya ang buhay mo. At ang bawat hiningang lumalabas sa mga labi mo ay dumidepende sa iisang tao lang.


Namimiss ko na ang main-love.
Miss na miss ko na talaga ang pakiramdam na bihirang nararamdaman ng isang tao.
Ang magmahal at umibig ng totoo.





0 comments: