Pages

Sunday, September 26

First Time.

       Intrams namin. First time naming hindi piliting pag-atendin ng sapilitan ng aming mga instructors. Ako bilang tamad, ay sinulit naman. May baon kahit hindi pumapasok. Nakatanga lang sa bahay at naglalaro sa computer. Abala sa pagtatype ng mga hindi namang mabentang mga sulatin. Naghaharvest, nagbebake at binibisita ang aking pet. Laos na daw yung mga ganoong laro ngayon, e anu naman? Enjoy pa din ako e.

       Ngayong linggong ito ay isa na naman akong malaking palamunin. Nakakahiya mang aminin pero naamin ko na.

       Martes. Malamang mga 8:30 ng gabi. Nakaonline ang facebook ko. Nagchat ang pinsan ko na huwag na daw ako pumasok kinabukasan, samahan ko na lang daw sya. Pumayag ako kahit ang totoo e hindi naman talaga ako pumapasok. Akala ko sa Manila kami pupunta, pagkakataon ko na sanang maging Manila girl, yun pala e sa Balanga lang. Nagpasama pa talaga sya.

        Dulot marahil ng malaki kong pagod sa paghaharvest at pagbebake ng cake, e nakatulog kaagad ako. Hindi ako nakapag-alarm para bukas.


        Tamang tama! Alas otso ang usapan namin sa terminal at nagising naman ako ng alas otso din. Hindi na ako nakakain sa pagmamadali. Dali dali akong naligo. Tinatawagan na pala ako ng pinsan ko sa aking cellphone, hindi ko naman naririnig dahil nasa loob ako ng banyo. At hindi na siguro sya nakatiis ay pinuntahan na nya ako sa bahay.

        Natuklasan nya ang mga nangyari, okay lang naman sa kanya dahil mabilis na nga ako ng lagay na iyon.

        Dumating kami sa Balanga, pass 9am. Sarado pa ang sinadya namin, ang Dermaline, kung saan sya magpapafacial. Sabi ko magpagupit muna ako ng buhok, sige ang sabi nya. Kaso pagdating namin e sarado pa din ang suki naming salon. Kaya nagagahan pa ako. Hindi ko ba alam kung swerte lang talaga ako ng panahon na iyon at hinayaan pa ako ng tadhana na makapagalmusal.

        Sa wakas ng kami ay bumalik sa clinic e bukas na ito. Excited ako kasi sabi ng pinsan ko treat nya daw ako. FIRST TIME ko ito. Masakit daw, asus kaya ko iyon! g nakahiga na kami sa parang operating table, minassage ni ate ang mukha ko. Masusolusyunan na din ang mga tagyawat ko. Inisteam at nagready na for pricking.
....
....
....
....
....
....
....
....
....
....
Pucha!
Ayoko na!
Shit!
Hayup na yan!
Paalisin nyo ako dito.
Gago kayo!




          Pero nasa isip ko lang yan. Umiiyak ako! Sa sakit. Parang dinudurog ang pagkatao ko. Umiikwas ako sa pagkakahiga ko. Gusto ko ng umuwi...
          Pero naisip ko din..........sayang naman!! Libre lang ito. Samantalahin ko na. Kaya tinanggap ko ng buong buo ang pagpapahirap nila sa akin. Hinayaan sila sa pagwawalang hiya nila sa pagkatao ko. Nilasap ko ang pinakadown na tagpo ng buhay ko.




           Nang matapos, hindi ko na ramdam ang sakit. Okay na ang pakiramdam ko. Wala na ang galit sa dibdib ko. Sige napatawad ko na sila sa mga kasalanan nila.
          "Miss sa saturday follow up nyo a."
.....
.....
.....
.....
.....
.....
.....
.....
         Ulit na naman? Hala, Bahala na si batman! Iiiyak ko na lang ang mga sama ng loob ko sa kanila.
          Kapapatawad ko lang sa kanila gagantuhin na naman nila ako? Makakarma din kayo. JOKE.
         Baon nalang ako ng tissue sa saturday, yung madami.....



2 comments:

panoxyl_beta05 said...

magaling! magaling! magaling! ibroadcast dw b..grrrrrrrr..wla ng nxt tym..haha

cherie said...

whaha. ala namang nagbabasa nito ai. kaw lang at ako.. haha.
uki lang yan hehe.