Pages

Saturday, August 28

Smile Before You Open!! :))

Mura lang pala ang isang case ng Sakto Coke.
Nagiging mahal lang 'pag pinatungan na ng deposito.
Nakakahinayang ding bilhin, kahit alm kong ibabalik din naman ang deposito mo.
Pero sa kabilang banda, madami din ang laman ng isang case,
Kasing dami ng mga taong napasaya, napreskuhan at napaligaya ng mga boteng ito.
Hindi na din pala masama!


Kahit pala ang mga bagay na hindi maganda sa buhay natin,
E may mabuti din namang palang naidudulot.
Kung titingin lang tayo sa perspektibo na tayo at ang Diyos lang ang nakakakita,
Malalaman nating hindi naman talaga unfair ang buhay,
Minsan, gusto lang nito na makita mo ang totoong mensahe ng buhay,
Sa paraang mas pahahalagahan mo ito sa oras ns natuklasan mo.


Makikita mo,sa pagkakataong nasagutan mo na ang mala-puzzle na laro ng buhay,
Isang ngiti pa ang maigaganti mo. . .
Ngiti kahit na gaano kasama ang nagdaang araw sa iyo,
Kahit na alm mo na bagsak ka sa subject mong M.S.,
Kahit na 30 mins. na naman ang hihintayin mo at lilipas bago ka maisakay ng tricycle,
Kahit na hindi mo alam kung may kakainin ka sa iyong pag-uwi,
Kahit na naiihi ka na tapos e traffic pa,
Kahit na umuulan at wala kang payong,
Kahit na parang oven ang classroom mo,
Kahit na wala kang pera,
Kahit na nababaon ka na sa utang,
Kahit na wala ka pa ring assignment at boyfriend,
Kahit na hindi nanalo ang pambato mo sa Ms. Universe,
Kahit na type ka ng type ng  message sa phone mo, wala ka naman palang load,
At kahit na puyat na puyat ka na e ginagawa mo pa din ang talatang ito para maibahagi sa iba ang nilalaman ng isip mo.


May pag-asa ang buhay,
Walang mangyayari kung magagalit, malulungkot o sisimangot.
Ngumiti para sa mga mahal mo,
Para sa kapwa mo,
Para sa mga kamag-anak mo,
Sa nanay mo, tatay mo,
Kapatid mo, pamangkin  mo,
Hipag mo, Bayaw mo,
Lolo  mo, lola mo sa tuhod man o sa balakang,
Sa mga pinsan mo,
Sa barkada mo, tropa  mo,
Para sa pusa o aso mo,
Sa mga kagalit mo,
Para sa mga kapitbahay mo,
Para sa Diyos,
Para sa kahapon at sa bukas,
At higit sa lahat para sa sarili mo!!




//cem

Leggi tutto >>

Thursday, August 12

AUGUST 11, 2010

Isang taon na ang nakalipas.
Hindi na ganun kalinaw ang mga naganap noong Aug. 11, 2009.


'Di tulad noong isang taon, umuulan ngayon.
Malakas ang kulog , maliwanag ang mga kidlat.
Tila ba nakikisama.


Matagal ko ng tinapos ang kabaliwan.
Hinarap ko na din ang totoong mukha ng buhay.
Na ang lahat ay nagtatapos sa masaya o malungkot na paraan.


Palakas ng palakas ang ulan.
Wala akong ibang naririnig kundi ang mga patak nito sa aming bubungan.
Hindi tulad ng parehong araw isang taon na ang nakakaraan.
Sa gitna ng madilim at payapang gabi,
Tanging tibok lang ng aking puso ang aking naririnig.
At ang kinabukasang naiisip na gusto kong isigaw sa buong paligid.


Ngayon, ang mga pangarap at saya dulot ng kahapon,
Wari'y inaanod na ng bahang unti-unting tumataas
Habang ang ulan ay lumalakas.


Wala akong magawa,
Wala din namang dapat gawin.
Hayaang makawala ang isip at puso.
Itapon ang lahat ng mga pangako.
Alisin na ang hinagpis ng nakaraan.
At magpatuloy na sa landas na dapat kong lakaran.



Leggi tutto >>

Paalam lolo!! :O(

Second day sa General ward sa Bataan Doctors.
Naasign sa Deteriorating na patient.
Shocks!! Toxic!
V/s q1.


Una pa lang, alang makuhang BP!
Report xempre.
Sugod si Staff nurse.
Haaii...
Relieved..
Buhay pa naman!!


Second v/s.
Wiz pa din ang BP.
Palpatory 20!
Recheck ni nurse.
Tama!
Best in BP..


Third v/s.
Alang BP!
Shocks!
Wag susuko!
Hanap-hanap ng pulso!
Wala talaga..
Check ng PR.
Declining.
Owww.
Hindi pa din susuko!


Pumasok si staff nurse.
Nagulat din sya,
"V-TACH na", sabi nya
Totoo?
Hala..


Sugod ang kampon ng mga nurse.
CPR sila te.
At ako?
Standing ovation syempre.
Super revive pa kahit alam na ang kahahantungan nya.
Nautusan pang kumuha ng ECG machine.
Dumating si Doc.
At nagdeclare.


Nagpost mortem.
Umiiyak ang mga anak.
Nagdadalamhati.


Pumanaw na si lolo,
Handa ng harapin ang kanyang asawa.
Kasama ang kanilang mga ala-ala,
Habang sila ay nabubuhay pa.
Leggi tutto >>

Monday, August 9

Patawad!! at Mahal kita!!

Madalas akong magkamali. 
(Sino ba naman ang hindi?)


Hindi din ako yung tipo ng taong humihingi nga sorry kahit alam kong ako ang may kasalanan.
(Hindi dahil ayoko, kundi dahl nahihiya ako sa ginawa ko!)


Mabilis ding mag-init ang ulo ko, madalas.
(Dahil hindi ka nakikinig sa mga paliwanag ko!)


Tumataas din ang boses, nawawalan ng respeto.
(Gusto ko lang ay marinig mo ang side ko!)


Sumasabat din ako kahit matanda ka sakin!
('pag alam kong hindi na tama ag sinasabi mo.)


Hindi din ako yung tipo ng unang nagaaproach 'pag may galit ka sakin.
(Dahil nahihiya ako, baka galit ka pa sa ginawa ko sa iyo!)


Nangaamba din ako minsan.
(Dahil yun sa inambahan mo din ako!)


Nagdadabog din at sumisimangot.
(Gusto ko lang malaman mo ang mga ayaw ko!


Nakakapasabi din ako ng masasakit na salita sa iyo.
(Alam ng Dyos ayoko sabihin yun, kung maibabalik ko lan ang nakaraan!)








Gusto kong Sabihin sa iyo na PATAWARIN  MO AKO!!
kaso baka hindi ka maniwala..
Gusto kong sabihin sayo na MAHAL KITA!!
kaso baka hindi mo ako pakinggan..






Ganunpaman, patawarin mo ako! Mahal kita!
Sana mabura nito lahat ng kasalanan ko sayo! :0(






ANG LAHAT AY MAY DAHILAN.. 
Leggi tutto >>

"Kwento Ng Buhay Kolehiyo Ko!!" (makarelate kaya kayo??)

Habang nagbabyahe ako kanina, ang daming tumatakbo sa isip ko.

Kasing dami ng mga naganap sa buhay ko simula ng magkolehiyo ako. 
Ang bilis pala talaga ng panahon, paklatapos ng school year na ito,
isang taon na lang gagraduate na ako. Sila ate Kaye graduating na pala, 
magsisimula na ang pagharap nila sa totoong buhay.

18 na pala ako, next year 19 na. 
Madami ng librong nabili, at madami na ding pahinang hindi nasulatan.
Madami na ding handouts na nasulatan
at sa kabutihang palad ay nakatabi pa naman sila sa mga gamit ko. 
Madami na ding ballpen na nabili,
ang iba ay naubos ang tinta, karamihan ay nawala. 

Madami na ding buhok na nagupit para maging bangs, 
madami na ding pasyenteng naalagaan, 
byaheng hindi na mabilang,
pasaherong nakatabi sa bawat jeep at bus. 
Madami na ding bus na navandalize,
text msg. na nasent at nareceive. 

Madami na ding exams na naibagsak
pero karamihan naman ay pasa.
Madami ng daang nadaanan, lugar na napuntahan, 
nakaing 39'ers, C1, mcfloat at spareribs.
Madami na ding tricycle na nasakyan, driver na kinainisan.
C.I. na minahal at kinabuwisitan. 

Hinimatay na din ako sa byahe bago pa ito umandar,
madaming nakakita, 
madami din akong kahihiyang nakuha. 

Minsan ko na ding minahal ang pagme-makeup duty. 
Madami ng naging kaklase, dumating at nawala. 
Tawang napakawalan, luhang tumulo,
pawis na tumagaktak at dugong umagos.
Madami ng stockings na nasira at sapatos na nabasa dahil sa ulan.
Payong na nasira, nanakaw, at nawala.


Pero gaya ng isang byahe, 
kelangan din nating tanggapin na gaano man kahaba o katagal ang isang bagay, 
ang lahat ay laging may katapusan.......

:))
Leggi tutto >>